Pagtatago ng impormasyong nakalabas na ng bansa sina Alice Guo, bubusisiin ng Senado

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Nais malaman ni Senador Sherwin Gatchalian kung bakit tila itinago sa kanilang mga senador maging kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa publiko ang impormasyon na nakaalis na ng Pilipinas sina Alice Guo. Pinunto ni Gatchalian, na kung hindi pa nagsalita si Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros sa plenaryo ng Senado… Continue reading Pagtatago ng impormasyong nakalabas na ng bansa sina Alice Guo, bubusisiin ng Senado

Ilang senador, nagpahayag ng suporta sa pagpapa-tuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees

Nagpahayag ng suporta sina Senate Majority Leader Francis Tolentino at si Senador Robin Padilla sa pansamantalang pagpapa-tuloy ng Pilipinas sa refugees mula sa Afghanistan. Ito ay habang nagpoproseso sila ng mga dokumento para makapasok ng Estados Unidos. Pinunto ni Tolentino, na nasa kasaysayan na ng Pilipinas ang pagtanggap sa mga refugee gaya na lang ng… Continue reading Ilang senador, nagpahayag ng suporta sa pagpapa-tuloy sa Pilipinas ng Afghan refugees

Panukalang pagtatag ng Clark National Food Hub, inaprubahan sa komite level sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Trade and Industry ang panukalang Clark National Food Hub. Ang House Bill 10678 o “An Act Establishing the Clark National Food Hub, Appropriating Funds Therefor and for other Purposes” ay alinsunod sa hangarin ng Philippine Development Plan para sa food security. Sinabi ni Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus… Continue reading Panukalang pagtatag ng Clark National Food Hub, inaprubahan sa komite level sa Kamara

Kustodiya ni Cassandra Ong, pag-uusapan pa ng NBI at ng Kamara

Wala pa ring pinal na desisyon kung kanino mapupunta ang kustodiya ni Cassandra Ong matapos itong mahuli sa Indonesia at maibalik sa Pilipinas. Si Ong ay iniuugnay kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at sa ni-raid na POGO hub sa Pampanga na Lucky South 99. Ayon kina Quad Committee Chairs Robert Ace Barbers at… Continue reading Kustodiya ni Cassandra Ong, pag-uusapan pa ng NBI at ng Kamara

Sen. Win Gatchalian, pinag-iingat ang mga paaralan sa banta ng Mpox

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Kasunod ng pagkakaulat ng unang kaso ng mpox (dating monkeypox) sa bansa ngayong taon, hinimok ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga paaralan sa bansa na magpatupad ng mga hakbang para maiwasan ito sa mga eskwelahan. Bagama’t mababa ang panganib na mahawa ang mga bata sa mpox ayon sa US… Continue reading Sen. Win Gatchalian, pinag-iingat ang mga paaralan sa banta ng Mpox

Kamara, nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad para makuha ang kustodiya ni Cassandra Li Ong

Inilabas na ng Kamara ang kautusan ng Quad Comm upang hulihin at idetine si Cassandra Ong. Kasunod ito ng pagkakahuli ng Indonesian Immigration kina Ong pati na ng kapatid ni dismissed Bamban Tarlac Mayro Alice Guo na si Shiela Guo. Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nakikipag-ugnayan na ang House Sergeant-at-Arms sa Philippine National… Continue reading Kamara, nakikipag-ugnayan na sa mga otoridad para makuha ang kustodiya ni Cassandra Li Ong

Listahan ng napatay na Chinese nationals na sangkot sa iligal na droga sa loob ng bilangguan, hinihingi ng QuadComm sa BuCor

Hiniling ni Surigao del Sur Representative Johhny Pimentel na maisumite sa QuadComm ng Kamara ang listahan ng mga Chinese national na pawang nakulong dahil sa iligal na droga, at namatay sa loob ng mga bilangguan mula July 2016 hanggang noong 2017. Kasunod ito ng pagharap sa pagdinig nina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan, dalawang persons… Continue reading Listahan ng napatay na Chinese nationals na sangkot sa iligal na droga sa loob ng bilangguan, hinihingi ng QuadComm sa BuCor

SP Chiz Escudero, nanawagang magkaroon ng general aviation terminal ang bansa

Binuhay ni Senate President Chiz Escudero ang kanyang mungkahi na magkatoon ng general aviation terminal sa Pilipinas, para matiyak na lahat ng lalabas ng bansa ay dadaan sa standard inspection ng customs at immigration officials. Ang pahayag na ito ng senate president ay kasunod ng napaulat na paglabas ng bansa ni dismissed Mayor Alice Guo.… Continue reading SP Chiz Escudero, nanawagang magkaroon ng general aviation terminal ang bansa

Passport nina Alice Guo at mga kapatid nito, nai-report na sa Interpol

Ibinahagi ni Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros na nai-report na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Center for Transnational Crime Interpol ang mga passport ng magkakapatid na sina Alice, Shiela, Wesley at Seimen Guo maging ang kay Cassandra Guo. Hinihintay na lang ang magiging aksyon ng Interpol kaugnay nito pero… Continue reading Passport nina Alice Guo at mga kapatid nito, nai-report na sa Interpol

Senado, itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Alice Guo

Nanindigan si Senador Sherwin Gatchalian na itutuloy ng Senado ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Guo Hua Ping, na kilala rin bilang Alice Guo, para sa perjury at para sa kanyang patuloy na pagsuway sa subpoena ng Senado. Ito ay sa kabila ng mga ulat na nakaalis na siya ng bansa. Binigyang-diin ni Gatchalian… Continue reading Senado, itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Alice Guo