Senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, isinasapinal pa

Sa kabila ng mga lumutang na pangalan para sa senatorial slate ng administrasyon, binigyang diin ni National Unity Party President at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na hindi pa ito pinal at ikokonsulta pa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa panayam sa telepono kay Villafuerte, sinabi nito na may mga personalidad na iminungkahi ng… Continue reading Senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, isinasapinal pa

Sen. Poe, tiniyak na babantayan nila ang paglalaan ng pondo para sa unprogrammed funds sa ilalim ng 2025 National Budget

Nangako si Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe na babantayan niyang maigi ang ano mang tangka na palakihin ang unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2025 national budget. Ang unprogrammed appropriations ay ang mga pondo na wala pang tukoy na mapagkukunan at nakasalalay lang ito sa extrang kita ng pamahalaan o sa uutangin ng… Continue reading Sen. Poe, tiniyak na babantayan nila ang paglalaan ng pondo para sa unprogrammed funds sa ilalim ng 2025 National Budget

Lider ng mga political party sa bansa, nagpulong bilang paghahanda sa 2025 midterm election

Nagpulong sa unang pagkakataon ang mga lider ng nangungunang political party sa bansa bilang paghahanda sa 2025 midterm elections. Sa ilalim ng pamumuno at gabay ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nagsama sama ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP)… Continue reading Lider ng mga political party sa bansa, nagpulong bilang paghahanda sa 2025 midterm election

Mga OFW sa Lebanon, hinikayat na i-avail ang libreng repatriation program ng pamahalaan

Nanawagan ngayon si Kabayan Party-list Representative Ron Salo sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na lumipad na pabalik ng Pilipinas habang bukas pa ang mga paliparan sa naturang bansa. Ayon sa mambabatas, samantalahin na ng mga OFW ang libreng repatriation ng pamahalaan para makauwi ng bansa habang hindi pa malala ang sitwasyon doon. “I urge… Continue reading Mga OFW sa Lebanon, hinikayat na i-avail ang libreng repatriation program ng pamahalaan

Panibagong insidente ng aggression ng China sa West Philippine Sea, mariing kinondena ni Speaker Romualdez

Tinuligsa at kinondena ni Speaker Martin Romualdez ang panibagong insidente ng agresibong maniobra ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard, Lunes ng umaga. Ayon kay Romualdez, ang panggigipit na ito ng China na nagresulta sa pagkabangga ng BRP Bagacay at BRP Cape Engaño sa West Philippine Sea ay hindi makatwiran at… Continue reading Panibagong insidente ng aggression ng China sa West Philippine Sea, mariing kinondena ni Speaker Romualdez

DFA at COMELEC, patuloy sa paghahanda para sa internet voting para sa halalan sa 2025

Pinaigting ng Department of Foreign Affairs’ Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) at ng Commission on Elections’ Office for Overseas Voting (COMELEC-OFOV) ang kanilang paghahanda para sa pagpapatupad ng internet voting para sa Overseas Filipinos sa darating na 2025 National Elections. Ito ay matapos ang matagumpay na paglulunsad nito sa South Korea noong Hunyo kung saan sinanay… Continue reading DFA at COMELEC, patuloy sa paghahanda para sa internet voting para sa halalan sa 2025

Senado, ikinagalak ang ‘very good’ performance rating na kanilang natanggap

Nagpasalamat ang Mataas na Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Chiz Escudero, sa patuloy na pagtitiwala ng publiko sa kanilang performance. Ang pahayag na ito ay kasunod ng natanggap na ‘very good’ performance rating na nakuha ng Senado base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey para sa second quarter ng 2024.… Continue reading Senado, ikinagalak ang ‘very good’ performance rating na kanilang natanggap

Pagbuo ng cabinet tourism cluster, iminumungkahi ni Sen. Migz Zubiri

Hinimok ni Senador Juan Miguel Zubiri ang economic team ng pamahalaan na imungkahi kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng isang cabinet cluster na tututok sa turismo ng Pilipinas, at pagtutuunan ng pansin ang mga tinatawag na ‘crown jewels’ ng bansa gaya ng Siargao, Palawan at iba pang tourist destinations. Pinalutang ni Zubiri… Continue reading Pagbuo ng cabinet tourism cluster, iminumungkahi ni Sen. Migz Zubiri

Panukala para sa pag-digitalize ng gobyerno umusad na sa Mataas na Kapulungan

Photo courtesy of Philippine News Agency

Umusad na sa Senado ang panukalang pag-digitalize sa operasyon ng gobyerno matapos maihain ang committee report ng e-Governance Bill sa Senado, sa pangunguna ni Senate Committee on Science and Technology Chairperson Senador Alan Peter Cayetano. Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na bumuo at i-update kada tatlong… Continue reading Panukala para sa pag-digitalize ng gobyerno umusad na sa Mataas na Kapulungan

Rep. Kiko Benitez, malaki ang pasasalamat sa tiwalang ibinigay ni Pangulong Marcos Jr. matapos maitalaga bilang bagong TESDA chief

Isang malaking karangalan para kay Negros Occidental Representative Francisco “Kiko” Benitez na maglingkod sa bayan bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General. Nagpapasalamat aniya siya na ipinagkatiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniya ang naturang posisyon. Gayundin sa mga kasamahan sa EDCOM2, Kamara, education organizations at mga kababayan sa… Continue reading Rep. Kiko Benitez, malaki ang pasasalamat sa tiwalang ibinigay ni Pangulong Marcos Jr. matapos maitalaga bilang bagong TESDA chief