Termino ng baranggay at SK officials, ipinapanukala na gawing anim na taon

Inanunsiyo ni Speaker Martin Romualdez na itinutulak ngayon ng Kamara na gawing anim na taon ang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) officials. Sa pagharap ng House leader sa National Congress ng mga Liga ng Barangay, sinabi niya na inihain na ang House Bill 10747 o An Act Setting the Term of Office… Continue reading Termino ng baranggay at SK officials, ipinapanukala na gawing anim na taon

SP Chiz Escudero, suportado ang ipapatupad na stratehiya ng PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa

Sang ayon at suportado ni Senate President Chiz Escudero ang bagong estratehiya na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) sa paglaban sa illegal na droga, kung saan pangunahing tututukan ay ang pagbuwag sa drug supply chain sa halip na malilit o street level pusher at user ang pag initan. Ayon kay Escudero, sa simula pa… Continue reading SP Chiz Escudero, suportado ang ipapatupad na stratehiya ng PNP sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa

Sen. Sherwin Gatchalian, planong isulong na amyendahan ang SIM Registration Law

Binabalak ni Senador Sherwin Gatchalian na isulong ang amyenda sa SIM (Subscriber Identity Module) Registration Law para mas maprotektahan ang publiko mula sa mga scammer. Kabilang sa mga amendment na pinaplano ni Gatchalian na isulong ay ang paglilimita sa bilang ng mga pinapayagang SIM na maaaring irehistro sa bawat user, at sa pag-regulate sa mga… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, planong isulong na amyendahan ang SIM Registration Law

SP Chiz Escudero, nilinaw na hindi niya isinusulong na mabawasan ang mga holiday sa bansa

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero ang kumakalat na balita tungkol sa naging pahayag niya kaugnay ng mga holiday sa bansa. Ayon kay Escudero, wala siyang sinabi na bawasan ang mga holiday sa Pilipinas. Ang punto aniya ay ang huwag na dapat dagdagan ang mga holiday natin ngayon dahil sobrang dami na nito. Sa ngayon… Continue reading SP Chiz Escudero, nilinaw na hindi niya isinusulong na mabawasan ang mga holiday sa bansa

Pagpasok ng mga Pilipinong may dual citizenship sa pampublikong higher education institutions, isinusulong sa Senado

Naghain sina Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian at Committee on labor Chair Senador Joel Villanueva ng panukalang batas na layong pahintulutan ang mga Pilipinong may dual citizenship na pumasok sa mga pampublikong higher education institutions (HEIs) bilang mga guro, researchers o administrators.  Sa inihain nilang Senate Bill 2733, layong amyendahan ang… Continue reading Pagpasok ng mga Pilipinong may dual citizenship sa pampublikong higher education institutions, isinusulong sa Senado

Panukalang layong palakasin ang digital competitiveness ng bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Prinisinta na sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 2699 o ang panukalang Konektadong Pinoy Act na layong mapabuti ang digital infrastructure ng Pilipinas at mapantayan ang mga kalapit na bansa sa Southeast Asia. Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Science and Technology Chairperson Senador Alan Peter Cayetano, sinabi nitong layon ng panukala na… Continue reading Panukalang layong palakasin ang digital competitiveness ng bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Kabalikat sa Pagtuturo Act, handa nang ipatupad ayon kay Sen. Bong Revilla

Sinabi ni Senate Committee on Civil Service Chairperson, Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na garantisado nang matatanggap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ang P10,000 teaching allowance kasunod ng pagkakapirma ng implementing rules and regulations (IRR) ng Kabalikat sa Pagtuturo Act (RA 11997). Ayon kay Revilla na pangunahing may-akda at sponsor ng naturang batas,… Continue reading Kabalikat sa Pagtuturo Act, handa nang ipatupad ayon kay Sen. Bong Revilla

Pagbaba ng bilang ng text scams matapos i-ban ang mga POGO, patunay na target rin ng mga ito ang mga Pilipino – Sen. Gatchalian

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi lang mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO ang biktima ng mga krimeng nagmula din sa kanila. Pinunto ni Gatchalian, na ang pahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nababawasan na ang text scam matapos ipagbawal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos… Continue reading Pagbaba ng bilang ng text scams matapos i-ban ang mga POGO, patunay na target rin ng mga ito ang mga Pilipino – Sen. Gatchalian

Subsistence allowance ng mga sundalo, tataasan ng Kamara sa 2025 National Budget

Higit sa doble ang itataas ng subsistence allowance ng mga sundalo sa ilalim ng 2025 national budget. Ito ang magandang balitang hatid ni Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pagbisita sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales ngayong araw. Kasama ang iba pang House leaders, inanunsiyo ni Romualdez na mula sa P150 ay itinaas ito sa… Continue reading Subsistence allowance ng mga sundalo, tataasan ng Kamara sa 2025 National Budget

Party-list solon, pinasosolusyunan sa CHED ang mababang success rate ng maritime education graduates

Ikinalungkot ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang mababang success rate o bilang ng mga maritime student na nagtatapos. Sa budget deliberation ng Commission on Higher Education (CHED) iprinisinta ng ahensya na mula sa 34,000 enrollees ng BS Marine Transportation at BS Marine Engineering nasa 9,000 lamang sa mga ito ang nakaka graduate. Ayon sa CHED… Continue reading Party-list solon, pinasosolusyunan sa CHED ang mababang success rate ng maritime education graduates