Dating accountant ni suspended Mayor Alice Guo, present sa pagdinig ng Senado ukol sa mga operasyon ng POGO

Nagpatuloy ang pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa. Sa kanyang opening statement, sinabi ni Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros na hindi pa nila maisara ang pagdinig na ito dahil hindi pa ganap na natutukoy kung sino-sino ang mga dapat na managot sa mga… Continue reading Dating accountant ni suspended Mayor Alice Guo, present sa pagdinig ng Senado ukol sa mga operasyon ng POGO

Amyenda sa EPIRA law, dapat magresulta sa pagbaba ng presyo ng pagkain – Sen. Sherwin Gatchalian

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na anumang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay dapat magresulta sa pagbaba ng presyo ng kuryente para sa kapakanan ng mga consumer na patuloy na nagtitiis sa mataas na presyo ng kuryente. Ang pahayag ng senador ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa… Continue reading Amyenda sa EPIRA law, dapat magresulta sa pagbaba ng presyo ng pagkain – Sen. Sherwin Gatchalian

Sen. Mark Villar, planong kausapin ang DPWH kaugnay ng naranasang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar

Balak kausapin ni dating DPWH secretary at ngayo’y Senador Mark Villar ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng naranasang malawakang pagbaha sa Metro Manila at kalapit na mga lugar. Partikular na nais malaman ni Villar ang dahilan ng pagbaha sa paligid mismo ng Senado na dati naman ay hindi binabaha. Nais ring… Continue reading Sen. Mark Villar, planong kausapin ang DPWH kaugnay ng naranasang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar

House Speaker Romualdez, binigyang halaga ang pagtutulungan at bayanihan para sa muling pagbangon mula sa hagupit ng bagyong Carina

Photo courtesy of Speaker Martin Romualdez Facebook page

Kinilala ni House Speaker Martin Romualdez ang tulong ng kanyang mga kapwa mambabatas upang makibahagi sa relief aid sa mga biktima ng bagyong Carina. Aniya, malaking kontribusyon ito upang mas mabilis na makabangon ang ating mga kababayan na mga nasalanta ng bagyo at matinding pagbaha. Kahapon, kasama ang ilang mga miyembro ng Kamara umikot ang… Continue reading House Speaker Romualdez, binigyang halaga ang pagtutulungan at bayanihan para sa muling pagbangon mula sa hagupit ng bagyong Carina

Panukalang pondo para sa flood control projects ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, bubusisiing mabuti ng Senado

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe na sa darating na budget deliberations para sa panukalang 2025 national budget ay dadaan sa butas ng karayom ang flood control budgets ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga ahensya ng gobyerno. Ginawa ng senator… Continue reading Panukalang pondo para sa flood control projects ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, bubusisiing mabuti ng Senado

Pagbibigay ng BI ng 60 araw sa foreign POGO workers para umalis ng bansa, welcome kay Sen. Joel Villanueva

Ikinatuwa ni Senador Joel Villanueva ang mabilis na pag aksyon ng Bureau of Immigration (BI) sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang tuldukan ang mga POGO sa bansa. Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagbibigay ng BI ng taning na 60 araw sa mga dayuhang manggagawa ng mga… Continue reading Pagbibigay ng BI ng 60 araw sa foreign POGO workers para umalis ng bansa, welcome kay Sen. Joel Villanueva

Sen. Villanueva, suportado ang pag-imbestiga sa flood control projects ng pamahalaan

Sang-ayon si Senador Joel Villanueva na kailangang imbestigahan ang flood control projects ng pamahalaan kasunod ng naranasang malawakang pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina. Giit ng senador, hindi katanggap-tanggap na dahilan ang pagsasabing malakas na ulan at dami ng tubig ang sanhi ng mga pagbaha. Ito lalo na aniya’t halos nasa P1 bilyong kada… Continue reading Sen. Villanueva, suportado ang pag-imbestiga sa flood control projects ng pamahalaan

Rep. Elizaldy Co, kasamang nag-ikot sa evacuation centers sa NCR upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina

Bumisita si House Appropriation Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Carina sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Kasama si House Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre at iba pang mambabatas, namahagi sila ng relief goods sa San Juan… Continue reading Rep. Elizaldy Co, kasamang nag-ikot sa evacuation centers sa NCR upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina

House Committee on Metro Manila Development, agarang nag-convene upang i-asses ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa NCR

Agad na ipinatawag ni Manila Representative Rolando Valeriano, Chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  kaugnay sa naganap na matinding pagbaha sa Metro dulot ng bagyong Carina. Ayon kay Valeriano, kailangang magpaliwanag ng MMDA at… Continue reading House Committee on Metro Manila Development, agarang nag-convene upang i-asses ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa NCR

Pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Muling binuhay ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukalang pagpapatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa. Ito ay nakapaloob sa Senate Bill 2451 o ang panukalang Ligtas Pinoy Centers Act na layong magtayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas. Ang mga naturang evacuation center… Continue reading Pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa, isinusulong ni Sen. Gatchalian