DTI, pinasinayaan ang isang bagong cement plant sa Cebu

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng lokal na produksyon ng semento sa bansa, pinasinayaan ni Trade Secretary Fred Pascual ang isang Japanese cement company. Sa inilabas na pahayag ng DTI. Nagkakahalaga ang nasabing bagong kumpanya ng PHP 12.8 billion production line. Ang naturang pasilidad ay inaasahang magpapalakas ng cement production sa Pilipinas at magpapababa ng pag… Continue reading DTI, pinasinayaan ang isang bagong cement plant sa Cebu

Mga senador, sang-ayon sa posisyon ng business groups na ipagbawal na ang mga POGO sa Pilipinas

Sinegundahan ng mga senador ang pahayag ng business groups na tuluyan nang i-ban ang mga POGO sa Pilipinas. Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, hindi na sapat ang sinasabing kita mula sa mga POGO para ikatwiran ang kanilang pananatili sa bansa lalo’t nagreresulta na sa iba’t ibang krimen at imoralidad ang kanilang presensya. Mungkahi ni… Continue reading Mga senador, sang-ayon sa posisyon ng business groups na ipagbawal na ang mga POGO sa Pilipinas

Mga konkretong plano, proyekto at legasiya ng administrasyon nais madinig ni Sen. Alan Peter Cayetano sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Inaasahan ni Senador Alan Peter Cayetano na magbibigay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ng konkretong utos nito kaugnay ng kanyang mga plano, proyekto at nais na iwang legasiya ng kanyang administrasyon. Pinaliwanag ni Cayetano, kadalasang ang ikatlo o ikaapat na SONA ng Pangulo ang panahon na… Continue reading Mga konkretong plano, proyekto at legasiya ng administrasyon nais madinig ni Sen. Alan Peter Cayetano sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Pagpapasa ng mandatory ROTC bill, hiling ni Sen. Bato dela Rosa na mabanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

Umaasa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mababanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang tungkol sa pagpapasa ng mandatory ROTC (Reserve Officers’ Training Corps) bill. Ito ayon kay dela Rosa ay para maengganyo ang mga kasamahan niya sa majority ng Senado na maipasa… Continue reading Pagpapasa ng mandatory ROTC bill, hiling ni Sen. Bato dela Rosa na mabanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

Mga nailigtas na POGO workers, iniharap sa Kamara; Problema ng iligal na POGO, laganap rin sa ibang bansa

Iniharap ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang ilang POGO workers na nailigatas mula sa mga iligal na POGO at scam farm. Sa gitna ito ng motu proprio investigation ng House Committee on Public Order and Safety at Games and Amusements. Matatandaan na ipinag-utos ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakaroon ng komprehensibong imbestigasyon patungkol sa… Continue reading Mga nailigtas na POGO workers, iniharap sa Kamara; Problema ng iligal na POGO, laganap rin sa ibang bansa

Cayetano at Binay, dadaan muna sa conciliation meeting ayon kay Senate Committee on Ethics Chair Tolentino

Magkakaroon muna ng conciliation meeting ang Senate Committee on Ethics kasama sina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Nancy Binay. Ito ang magiging proseso kaugnay ng ethics complaint na inihain ni Binay laban kay Cayetano ayon kay senate ethics committee chairman at senate majority leader Francis Tolentino. Ayon kay Tolentino, bago isalang sa pagdinig ang… Continue reading Cayetano at Binay, dadaan muna sa conciliation meeting ayon kay Senate Committee on Ethics Chair Tolentino

Speaker Romualdez, nagpasalamat sa tiwala ng mga Pilipino kasunod ng nakuhang mataas na trust at performance rating

Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang pasasalamat sa mga Pilipino matapos makakuha ng mataas na trust at performance rating sa isinagawang Pulse Asia survey para sa buwan ng Hunyo. Nakakuha ng apat na puntos na pagtaas ang House leader sa kaniyang performance at trust rating. Mula 31% noong Marso ay umakyat ito sa 35%… Continue reading Speaker Romualdez, nagpasalamat sa tiwala ng mga Pilipino kasunod ng nakuhang mataas na trust at performance rating

Panukalang Philippine Maritime Zones Act, lusot na sa Bicameral Conference Committee

Nagkasundo na ang Bicameral Conference Committee kaugnay ng panukalang Philippine Maritime Zones Act. Kabilang ang panukalang Philippine Maritime Zones Act sa mga priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ayon kay Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino, kabilang sa mga salient point na naisama sa bicam version ng… Continue reading Panukalang Philippine Maritime Zones Act, lusot na sa Bicameral Conference Committee

Isyu sa POGO maaaring tugunan ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na magandang pagkakataon ang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ilahad ang posisyon ng pamahalaan sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng POGO. Ani Salceda, sa simpleng pahayag na sundin ang umiiral na batas ay maaari na aniyang maresolba ang isyu sa… Continue reading Isyu sa POGO maaaring tugunan ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

House Appropriations Chair, suportado ang paggamit ng hindi nagagamit na pondo ng GOCC pampondo sa proyekto ng pamahalaan

Tinuran ngayon ni House Appropriations Committee Chair Zaldy Co, ang hakbang ng Department of Finance na gamitin ang bilyong pisong pondo na hindi nagagamit ng mga GOCC para tulungan ang iba pang ahensya para maipaabot ang kinakailangang serbisyo at proyekto. Sabi ni Co sa paraang ito, matitiyak na mas mapapakinabangan ng mga Pilipino ang pondo… Continue reading House Appropriations Chair, suportado ang paggamit ng hindi nagagamit na pondo ng GOCC pampondo sa proyekto ng pamahalaan