Seguridad ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senado, tiniyak ni SP Chiz Escudero

Nainspeksyon na ni Senate President Chiz Escudero ang magiging detention room sa Senado ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at kanyang mga kaanak, sakaling maaresto na sila. Tiniyak ni Escudero ang kaligtasan nina Guo lalo’t ang tutuluyan aniya ng mga ito ay kalapit lang ng opisina ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng… Continue reading Seguridad ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senado, tiniyak ni SP Chiz Escudero

Sen. Hontiveros, umaasang iaanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-ban sa mga POGO sa kanyang SONA

Umaasa si Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros na madidinig niya sa magiging state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes ang tuluyan nang pagbabawal ng mga POGO sa Pilipinas. Ayon kay Hontiveros, sana ang maging desisyon ni Pangulong Marcos sa usapin ng mga POGO ay gaya… Continue reading Sen. Hontiveros, umaasang iaanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. ang pag-ban sa mga POGO sa kanyang SONA

Resulta ng PBEd outlook sa employability ng K to 12 graduates, “good news” ayon sa isang mambabatas

Welcome para kay House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal Representative Fidel Nograles ang resulta ng Philippine Business for Education’s (PBEd) 2024 Jobs Outlook Study. Lumalabas kasi dito na apat sa limang employer o katumbas ng 86.6 percent ang handa nang kumuha o mag-hire ng K to 12 graduates. Mayroon ding 88% ng… Continue reading Resulta ng PBEd outlook sa employability ng K to 12 graduates, “good news” ayon sa isang mambabatas

Ikatlong SONA ni PBBM, may dalang bagong pag-asa sa mga Pilipino

Hinimok ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang mga Pilipino na patuloy na ibigay ang suporta kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna na rin ng kaniyang nalalapit na State of the Nation Address sa July 22. Ayon kay Salo, dala ng ikatlong SONA ng Pangulo ang bagong pag-asa para sa mga Pilipino at… Continue reading Ikatlong SONA ni PBBM, may dalang bagong pag-asa sa mga Pilipino

Incoming Education Secretary Sonny Angara, magsisimula nang manungkulan sa Biyernes

Manunungkulan na si incoming Department of Education (DepEd), Senador Sonny Angara simula sa araw na epektibo ang resignation ni Vice President Sara Duterte sa Biyernes, July 19. Ayon kay Angara, July 18 nakatakda ang turnover ceremony at kinabukasan ay pormal na siyang magte-take over sa kanyang bagong posisyon. Umaasa ang senador, na makakasalamuha niya si… Continue reading Incoming Education Secretary Sonny Angara, magsisimula nang manungkulan sa Biyernes

Pag anunsiyo ng POGO ban sa bansa, inaasahan ni Sen. Koko Pimentel sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na iaanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang tuluyan nang pagbabawal ng operasyon ng mga POGO sa Pilipinas.  Ayon kay Pimentel, magiging magandang hakbang para sa Pangulong Marcos ang pagtugon sa problema sa mga POGO sa kanyang… Continue reading Pag anunsiyo ng POGO ban sa bansa, inaasahan ni Sen. Koko Pimentel sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Pag-ban ng Bulacan sa mga POGO, pinuri ni Senador Sherwin Gatchalian

Pinuri ni Senador Sherwin Gatchalian ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan dahil sa bagong ordinansa nitong nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanilang nasasakupan. Ayon kay Gatchalian, dapat tularan ng lahat ng mga lokal na pamahalaan ang ginawa ng Bulacan at ng ilan na ring local government unit (LGU) na pagbabawal sa mga POGO… Continue reading Pag-ban ng Bulacan sa mga POGO, pinuri ni Senador Sherwin Gatchalian

Kamara, bubusisiin ang mga hakbang na ginawa ng mga otoridad at LGUs kaugnay sa POGO related crimes

Sisimulan na ng House Committee on Public Order and Safety, katuwang ang House Committee on Games and Amusements ang imbestigasyon ukol sa POGO related crimes. Ayon kay Laguna Representative Dan Fernandez,  partikular nilang pagtutuunan ng pansin ang mga iligal na POGO na sangkot sa krimen. Ito aniya ay para matiyak ang kaligtasan ng mga publiko… Continue reading Kamara, bubusisiin ang mga hakbang na ginawa ng mga otoridad at LGUs kaugnay sa POGO related crimes

Arrest order laban kay suspended Mayor Alice Guo at iba pa, unang hakbang pa lang sa pagpapanagot sa mga ito – Sen. Hontiveros

Giniit ni Senate Committee on Women Chairperson Senadora Risa Hontiveros na hindi lang basta procedural o bahagi ng proseso ang paglalabas ng arrest order laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping. Naaayon rin aniya ito sa madato ng Senado na pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa dami… Continue reading Arrest order laban kay suspended Mayor Alice Guo at iba pa, unang hakbang pa lang sa pagpapanagot sa mga ito – Sen. Hontiveros

Pag-veto ni Pangulong Marcos sa panukalang reporma sa hanay ng Pulisya, iginagalang ng PNP

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-veto ang panukalang batas na nagsusulong ng reporma sa hanay ng Pulisya. Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na nauunawaan nila ang mga pangamba ng Punong Ehekutibo hinggil sa pagpapanatili ng patas at pagkakapantay-pantay sa kompensasyon ng mga Pulis. Gayundin… Continue reading Pag-veto ni Pangulong Marcos sa panukalang reporma sa hanay ng Pulisya, iginagalang ng PNP