Deputy Speaker Camille Villar, pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan

Binalaan ngayon ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ang publiko kaugnay sa isang pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan. Ayon kay Villar, ang naturang scammer ay nagpapanggap na siya o kaya naman kaniyang kinatawan para manloko. Ang modus ay mag-aalok ng business opportunity o investment at mangangako ng malaking kita.… Continue reading Deputy Speaker Camille Villar, pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan

Higit 3,000 residente ng Leyte, nakatanggap ng tulong pinansyal at pabigas mula sa pamahalaan

Tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangang residente ng Leyte. Nasa 3,167 qualified beneficiaries ang napagkalooban ng tulong pinansyal at bigas sa pamamagitan ng dalawang programa na isinulong ng pamahalaan. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, atas mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi magpahinga sa pagpapaabot ng kinakailangang tulong ang pamahalaan. Kinatawan… Continue reading Higit 3,000 residente ng Leyte, nakatanggap ng tulong pinansyal at pabigas mula sa pamahalaan

Isang mangingisdang Pinoy, nawawala matapos banggain ng isang Chinese commercial vessel ang isang maliit na bangkang pangisda ng mga Pilipino

Ibinahagi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na may isang mangingisdang Pinoy ang nawawala matapos banggain ng isang Chinese commercial vessel ang sinasakyan nilang bangkang pangisda sa karagatan ng Zambales noong july 7. Base sa report ng Philippine Coast Guard kay Tolentino, binangga ng Chinse commercial vessel na Yangfu ang isang maliit na bangkang pangisda… Continue reading Isang mangingisdang Pinoy, nawawala matapos banggain ng isang Chinese commercial vessel ang isang maliit na bangkang pangisda ng mga Pilipino

Suspended Bamban Tarlac Mayor Guo, dapat sundin ang subpoena order ng Senado – SP Escudero

Obligadong dumalo sa pagdinig ng Senado bukas si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ayon kay Senate President Chiz Escudero. Paliwanag ni Escudero, kapag naglabas ng subpoena order ang husgado man o ang Kongreso ay dapat itong sundin. Kung sakali aniyang hindi ito dadalo sa magiging pagdinig bukas ng Senate Committee on Women ay nasa… Continue reading Suspended Bamban Tarlac Mayor Guo, dapat sundin ang subpoena order ng Senado – SP Escudero

SP Escudero: Reciprocal access agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, pag-aaralang maigi ng Senado

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na bubusiiin nilang maigi ang reciprocal access agreement (RAA) na pinirmahan ng Pilipinas at Japan. Ayon kay Escudero, pag-aaralan nila ang kasunduang ito gaya ng ibang tratado na pinaparatipikahan ng ehekutibo sa Senado. Matatandaang kinakailangang ratipikahan o sang ayunan ng Mataas na Kapulungan ang anumang kasunduan o tratadong papasukin… Continue reading SP Escudero: Reciprocal access agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, pag-aaralang maigi ng Senado

Senate Ethics Committee chair, paghaharapin muna sina Sen. Binay at Sen. Cayetano bago dinggin ang ethics complaint

Natanggap na ni Senate Majority leader at Ethics Committee chairman Senador Francis Tolentino ang reklamong inihain ni Senadora Nancy Binay laban kay Senador Alan Peter Cayetano. Gayunpaman, aminado si Tolentino na hindi pa niya nababasa ang naturang ethics complaint. Pinaliwanag rin ni Tolentino na sa ngayon ay kinakailangan pa nilang ayusin ang ethics committee dahil… Continue reading Senate Ethics Committee chair, paghaharapin muna sina Sen. Binay at Sen. Cayetano bago dinggin ang ethics complaint

Rep. Marcoleta, nais paimbestigahan ang natuklasang offshore account ng isang Comelec official

Plano ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta na pormal na maghain ng resolusyon para paimbestigahan ang natuklasang offshore accounts na iniuugnay sa isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Sa isang pulong balitaan, tinukoy ng mambabatas na mayroon siyang natuklasang 49 na offshore accounts na pawang mula sa Singapore, China at Hong Kong, Carribean at… Continue reading Rep. Marcoleta, nais paimbestigahan ang natuklasang offshore account ng isang Comelec official

Iloilo City solon, hiniling sa DOJ na maimbestigahan ang pagdami ng presensya ng Chinese nationals sa upscale subdivisions sa kanilang lungsod

Personal na lumiham si Iloilo City Representative Julienne Baronda kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla para maimbestigahan ang tila pagdami ng Chinese nationals sa kanilang lungsod. Sa liham na may petsang July 4, tinukoy ni Baronda ang ulat ng pagdami ng Chinese nationals na tumitira sa mga upscale subdivision sa Iloilo City,… Continue reading Iloilo City solon, hiniling sa DOJ na maimbestigahan ang pagdami ng presensya ng Chinese nationals sa upscale subdivisions sa kanilang lungsod

Sen. Jinggoy Estrada, titiyaking magiging prayoridad ng Senado ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas

Nangako si Senate Committee on National Defense Chairperson at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, na titiyakin niyang magiging isa sa mga priority agenda ng Senado sa pagbubukas ng kanilang 3rd regular session ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA). Ayon kay Estrada, ang pagpirma ng RAA ay nagpapakita ng commitment ng Japan at Pilipinas… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, titiyaking magiging prayoridad ng Senado ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas

Night shift differential, ipinapanukalang wag nang patawan ng buwis

Inihain ni Makati Representative Luis Campos Jr. ang isang panukalang batas na gawing tax free ang night shift differential pay upang mas mapakinabangan ito ng mga empleyado Sa kaniyang House Bill 10534, nilalayon na i-exempt ang night shift differential pay sa gross taxable income. Sa paraang ito, makukuha aniya ng empleyado ng buo ang kaniyang… Continue reading Night shift differential, ipinapanukalang wag nang patawan ng buwis