PCMC, nagpasalamat sa suporta ni Sen. Bong Go sa mga batang cancer patient

Pinasalamatan ng pamunuan Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang patuloy na pagsuporta at pakikiisa ng mga mambabatas sa mga cancer patient. Ito’y matapos pangunahan ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagtulong sa mga pasyente sa ilalim ng Malasakit Center. Ayon kay PCMC Spokesperson Dr. Sonia Gonzalez, hindi pa senador si Go ay taon-taon na itong… Continue reading PCMC, nagpasalamat sa suporta ni Sen. Bong Go sa mga batang cancer patient

SP Chiz Escudero at Sen. Jinggoy Estrada, nanawagan sa publiko na isabuhay ang diwa ng Araw na Kalayaan

Umaasa si Senate President Chiz Escudero na magsisilbing inspirasyon ang diwa ng pinagdiriwang natin ngayong Araw ng Kalayaan para patuloy na magsumikap ang mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas. Sa kanyang Independence Day message, sinabi ni Escudero na ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng mga sakripisyo at katapangan ng mga bayani ng… Continue reading SP Chiz Escudero at Sen. Jinggoy Estrada, nanawagan sa publiko na isabuhay ang diwa ng Araw na Kalayaan

Speaker Romualdez at SP Escudero, nakatakdang pag-usapan ang legislative priorities ng Kongreso

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez ang nakatakda nilang pulong ng bagong luklok na Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa darating na Huwebes, June 13. Sa isang ambush interview kasabay ng paggunita sa Independence Day sa Barasoain Church sa Bulacan, sinabi ni Romualdez na mahalaga ang pulong ng dalawang lider ng kapulungan ng Kongreso para… Continue reading Speaker Romualdez at SP Escudero, nakatakdang pag-usapan ang legislative priorities ng Kongreso

VP Sara Duterte sa mga Kabataan: Maging tagapagtaguyod ng positibong pagbabago sa bansa

Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Davao City, binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng paggunita sa sakripisyo ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ng bansa. Sa kaniyang talumpati, hinikayat ni VP Duterte ang lahat na pahalagahan ang kasarinlang natatamasa ngayon at gamitin ito… Continue reading VP Sara Duterte sa mga Kabataan: Maging tagapagtaguyod ng positibong pagbabago sa bansa

Pagbibigay halaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa, binigyang diin ni Sen. Bong Revilla

Ganap na alas-8 ng umaga, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa makasaysayang Aguinaldo Shrine sa Kawit Cavite. Matatandaang 126 na taon na ang nakakaraan o noong June 12, 1898 ay sa naturang dambanang ito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas bilang senyales ng Kalayaan ng Pilipinas. Si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang panauhing pandangal… Continue reading Pagbibigay halaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa, binigyang diin ni Sen. Bong Revilla

Hinihinalang Chinese Army uniform sa na-raid na POGO hub sa Pampanga, nagpapatunay na national security threat ang mga POGO – Sen. Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na ang natuklasang hinihinalang Chinese military uniforms sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga ay malinaw na ebidensyang banta sa seguridad ng Pilipinas ang mga POGO. Muling iginiit ni Gatchalian na binuksan ng mga POGO ang pinto, hindi lang para makapasok ang mga kriminal na sindikato sa bansa… Continue reading Hinihinalang Chinese Army uniform sa na-raid na POGO hub sa Pampanga, nagpapatunay na national security threat ang mga POGO – Sen. Gatchalian

Operasyon ng POGO sa Pilipinas, ipinapanukalang ipagbawal at ituring na isang krimen

Maliban sa tuluyang pagbabawal, nais ng Makabayan bloc na gawing isang krimen ang operasyon ng POGO sa bansa. Sa paghahain ng House Bill 10525, sinabi ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ilang taon matapos pahintulutan ng Duterte administration ang operasyon ng POGO ay nagdulot ito ng problema sa lipunan gaya na lamang ng pagkakasangkot… Continue reading Operasyon ng POGO sa Pilipinas, ipinapanukalang ipagbawal at ituring na isang krimen

Sapat na subsidiya at suporta sa mga magsasaka, pinakamainam na tugon vs. inflation, ayon sa isang party-list solon

Pinakamainam pa rin na pantugon para mapababa ang inflation ang pagbibigay ng sapat na suporta sa lokal na mga magsasaka, Ito ang bingiyang-diin ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee kasunod ng bahaygang pagtaas sa inflationn. Sa isang forum, sinabi ni Lee na dapat sabayan ng mas maigting na suporta sa local farmers ang tapyas sa… Continue reading Sapat na subsidiya at suporta sa mga magsasaka, pinakamainam na tugon vs. inflation, ayon sa isang party-list solon

Paglagda ng MOA sa pagitan ng NAC at PNP kaugnay ng amnestiya ng pangulo, malugod na tinanggap ni Sec. Galvez

Malugod na tinanggap ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng National Amnesty Commission (NAC) at Philippine National Police (PNP) na magsusulong ng Amnesty program ng adminstrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dating rebelde. Sa kanyang mensahe ng pagsuporta, binigyang diin ni Secretary… Continue reading Paglagda ng MOA sa pagitan ng NAC at PNP kaugnay ng amnestiya ng pangulo, malugod na tinanggap ni Sec. Galvez

Senado, hihintayin munang maaresto ng mga awtoridad si Pastor Quiboloy bago imbitahan sa pagdinig ng Senado

Hihintayin muna ng Senado na maaresto ng tuluyan ng mga otoridad si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy bago hilingin ang pagpadalo nito sa pagdinig ng Senado. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga isyu kay Quiboloy at naantala lang ito… Continue reading Senado, hihintayin munang maaresto ng mga awtoridad si Pastor Quiboloy bago imbitahan sa pagdinig ng Senado