Loose firearms isinuko sa awtoridad mula sa bayan ng Sibutu, at Bongao, Tawi-Tawi

Nasa 5 loose firearms ang isinuko mula sa bayan ng Sibutu at Bongao, Tawi-Tawi sa commanding officer ng Marine Batallion Landing Team 12 na si Lt. Col Junnibert Tubo. Ang mga nasabing loose firearms ay iprenesinta sa Joint Task Force Tawi-Tawi Commander Brig. Gen. Romeo Racadio, Provincial Administrator Mr. Mobin Gampal, opisyales ng lokal na… Continue reading Loose firearms isinuko sa awtoridad mula sa bayan ng Sibutu, at Bongao, Tawi-Tawi

Naitalang pagyanig sa bulkang Taal, nabawasan; Alert Level 1, nakataas pa rin

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkang Taal na nakapagtala na lamang ng pitong volcanic tremor sa nakalipas na 24 na oras, kumpara sa sunod-sunod na volcanic tremors noong nakaraang linggo. Ayon kay Science Research Specialist Eric Arconado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Taal Volcano Observatory, bagama’t nakitaan pa rin ng steaming… Continue reading Naitalang pagyanig sa bulkang Taal, nabawasan; Alert Level 1, nakataas pa rin

Mga organikong produktong gawa ng mga kababaihan sa Iligan City, tampok sa Organic Asia Conference sa Kauswagan, Lanao Del Norte

Ipinakita ng tanggapan ng City Mayor’s Office-Gender and Development (CMO-GAD) ang mga organikong produkto ng lungsod ng Iligan sa Organic Asia Conference sa Kauswagan, Lanao del Norte. Ayon kay GAD Chairperson Renefe Padilla, pagkakataon ito para makilala ng ibang lungsod at bansa ang produkto, gayundin ang posibilidad na makahanap ng mga interesadong mamimili. Ipinakita nila… Continue reading Mga organikong produktong gawa ng mga kababaihan sa Iligan City, tampok sa Organic Asia Conference sa Kauswagan, Lanao Del Norte

Bulkang Mayon, nagtala ng 1 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras

Nagtala ang bulkang Mayon ng 1 volcanic earthquake nitong nakalipas na 24 oras. Ang pagyanig ay naganap sa pagitan ng alas-5:00 ng umaga ng June 9 hanggang alas-5:00 ng umaga nitong araw June 10. Kasabay nito, nagkaroon din ng 59 rockfall events at naobserbahan ang fair crater glow na ibig sabihin ay nakikita na ang… Continue reading Bulkang Mayon, nagtala ng 1 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras

30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road sa Quezon, tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape

Tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape ang 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road na matatagpuan sa daan ng Dolores, Candelaria at nagtatapos ng Sariaya, Quezon. Ayon sa pabatid ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON, ito ay sa ilalim ng kanilang Coffee Belt Road Project sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Kinatawan ng Ikalawang… Continue reading 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road sa Quezon, tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape

DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

Nag-ikot ang mga kawani ng Department of Health CALABARZON sa Agoncillo at Laurel Batangas para magsagawa ng field assessment sa epekto ng volcanic smog mula sa bulkang Taal. Ayon kay Maria Theresa Escolano, Development Management Officer ng DOH-CALABARZON, noon pang May 24 ay naiulat ang pagtaas ng sulfur dioxide mula sa bulkan. Aniya, may ilang… Continue reading DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

Inaabangan na ang pagdating ni Department of Social Welfare Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Albay ngayong umaga. Katunayan, ang receiving team sa kalihim ay nasa Bicol International Airport na sa ngayon. Makakasama ng kalihim sa pagdating si AKO Bicol Representative Elizaldy Co, Chairman Appropriations Committee.  Mula sa paliparan dadalawin ng kalihim ang mga evacuees… Continue reading Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development ang nasa 3,000 family tents habang ongoing na ngayon ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa loob ng permanent danger zone sa Bulkang Mayon. Ayon sa DSWD, mayroon nang 26 pamilyang mula sa Sitio Nagsipit ng Barangay Mariroc sa Tabaco City ang inilikas sa Pawa evacuation center.… Continue reading 3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba

Sa loob ng magkakasunud na anim na buwan o simula pa noong Enero ngayong taon ay bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City. Ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1 sa… Continue reading Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba

DSWD, sinigurong nakatutok na sa anumang ‘worst case scenario’ sa Bulkang Mayon

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development sa mga lokal na pamahalaan sa Albay na nakatutok na ang regional office nito sa Bicol para sa anumang ‘worst case scenario’ ng Mayon Volcano. Ayon sa DSWD, tinawagan na at nakausap ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sina Albay Governor Edcel Greco Lagman at ilang kongresista sa… Continue reading DSWD, sinigurong nakatutok na sa anumang ‘worst case scenario’ sa Bulkang Mayon