₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

Naghanda ng pabuya ang Pasay LGU kung sinuman ang makapagtuturo ng kinaroroonan o mahalagang impormasyon sa kinaroroonan ng 10 pugante sa Malibay Police Station. Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano 30,000 pesos kada pugante ang kanilang pabuya. Samantala, binigyan ni Mayor Emi ng 24 oras na palugit ang Pasay Police Station upang maaresto ang… Continue reading ₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

₱1-M insentibo sa seniors na aabot sa 101 taong gulang, pasado na sa ikalawang pagbasa

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang mag-aamyenda sa Centenarians Act of 2016. Sa ilalim ng House Bill 7535, ang mga senior citizen ay makakatanggap ng ₱25,000 na cash incentives oras na umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95 years old. Magtutuloy-tuloy din ang pagbibigay ng ₱100,000 na insentibo sa kanila oras na umabot… Continue reading ₱1-M insentibo sa seniors na aabot sa 101 taong gulang, pasado na sa ikalawang pagbasa

Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst

Naniniwala ang isang geopolitical analyst na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa ang pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas. Matatandaang inanunsiyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may idaragdag na apat na lugar na sasakupin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Sa pandesal forum, sinabi ni Prof.… Continue reading Pagdagdag ng EDCA sites sa Pilipinas, ikinabahala ng isang geopolitical analyst

DepEd, wala pang planong ibalik sa pre-pandemic period ang “summer break” ng mga mag-aaral

Wala pang plano ang Department of Education (DepEd) na ibalik ang bakasyon ng mga mag-aaral sa Abril hanggang Mayo sa gitna ng tumitinding init ng panahon sa bansa. Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ipinauubaya sa school heads ang suspensyon ng face-to-face classes kung hindi maayos ang kapaligiran para sa pagtuturo. Gayunman ay pag-aaralan… Continue reading DepEd, wala pang planong ibalik sa pre-pandemic period ang “summer break” ng mga mag-aaral

Libo-libong trabaho alok sa isasagawang job fair bukas Pasay City

Inaanyayahan ng Pasay LGU ang mga residente na makiisa sa ikakasang job fair bukas. Isasagawa ito sa Pasay City Hall simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon kung saan 50 kumpanya makikilahok sa job fair at libo-libong trabaho ang makikita sa local at overseas. Kabilang sa bakanteng trabaho ang barista, cashier, sales clerk, register… Continue reading Libo-libong trabaho alok sa isasagawang job fair bukas Pasay City

S&P Global Ratings, itinaas ang growth outlook ng Pilipinas para sa taong 2023

Itinaas ng S&P Global Ratings ang growth forecast para sa Pilipinas ng 5.8 percent para sa taong ito. Sa unang pagtaya ng S&P Global ito ay nasa 5.2 percent, pero base sa kanilang projection ang Pilipinas ay third-fastest growing economy sa Asia Pacific. Ayon kay Asia Pacific at S&P Chief Economist Louis Kujis, ang GDP… Continue reading S&P Global Ratings, itinaas ang growth outlook ng Pilipinas para sa taong 2023

MMDA, magpapatupad ng “Summer Heat Stroke Break” simula sa Abril

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsisimula na ang implementasyon ng “Summer Heat Stroke Break” para sa mga tauhan nito sa Abril. Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Atty. Victor Nuñez, naglabas na ng memorandum circular si acting Chairperson Romando Artes para sa naturang break simula April 1 hanggang May 31. Sa… Continue reading MMDA, magpapatupad ng “Summer Heat Stroke Break” simula sa Abril

Dalawang rebelde sa Capiz, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang dalawang dating rebelde sa probinsya ng Capiz sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan. Ang distribusyon ay pinangunahan ni Capiz Governor Fredenil Castro at mga opisyales ng DILG, PNP at Phil Army. Bawat rebelde ay nabigyan ng P50,000 na livelihood assistance at P15,000 na immediate assistance.… Continue reading Dalawang rebelde sa Capiz, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

DOF, suportado ang rightsizing Bill ng Kamara

Welcome sa Department of Finance ang House approval sa panukalang National Government rightsizing Bill. Maalalang inaprubahan ng House of Representatives sa pangatlo at huling pagbasa ang proposed National Government Rightsizing Act. Ayon kay Secretary Benjamin Diokno, buo ang kanilang suporta sa Rightsizing Bill na isa sa priority bill ng Marcos Jr. administration na naglalayong i-streamline… Continue reading DOF, suportado ang rightsizing Bill ng Kamara

German Chamber of Commerce, nagpahayag ng suporta sa kampanya ng Marcos administration para sa Clean Energy Program

Nagpahayag ng pagsuporta ang German Chamber of Commerce sa kampanya ng Marcos administration sa pagsusulong ng Clean Energy Program sa bansa.Ayon kay German-Philippine Chamber of Commerce Executive Director Christopher Zimmer, buo ang suporta nito sa kasalukuyang administrasyon sa pagsusulong ng malinis na enerhiya sa bansa.Dagdag pa ni Zimmer na limang kumpanya mula sa kanilang bansa… Continue reading German Chamber of Commerce, nagpahayag ng suporta sa kampanya ng Marcos administration para sa Clean Energy Program