Mag-live in partner sa Caloocan City, natagpuang patay sa pananaksak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtagpuang patay ang maglive-in partner matapos umanong magsaksakan sa loob ng kanilang bahay sa Phase 4 Package 6 Barangay. 176, Caloocan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Julieta Espaniola, 46 anyos, at ang kinakasama nitong si Edgardo Mananqui, 50 anyos.

Ayon sa mga tauhan ng Barangay 176, alas-8:30 ng umaga kanina nang madiskubre ang bangkay ng maglive-in partner sa loob ng kanilang bahay.

Madalas din umanong mag-away ang maglive-in partner dahil sa matinding pagseselos ng lalaki.

Kwento ng ilan sa residente, maaaring kagabi o madaling araw nangyari ang krimen dahil madalas daw silang nakakarinig ng sigawan sa bahay nito kapag nag-aaway.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, posible umanong sinaksak muna ni Mananqui si Espaniola at matapos nito ay sinaksak din niya ang kaniyang sarili. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us