Patas, mabilis na paggulong ng kaso ng pamamaslang kay Percy Lapid, inaasahan ni Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senador Risa Hontiveros na magiging patas at mabilis na gugulong ang hustisya sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ay matapos masampahan na ng kaso ng Department of Justice (DOJ) si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ayon kay Hontiveros, mahalagang hakbang ito para makamit ang hustisya para sa pamilya ng pinaslang na broadcaster at sa  pagtataguyod ng tunay na kalayaan sa pamamahayag at pagwawakas ng kultura ng pang-aabuso.

Magsilbi rin aniya sana itong babala na walang sinuman ang makaliligtas sa pananagutan sa batas, kahit mga uniformed personnel.

Aminado pa ang senadora na nakakaalarma at nagdudulot ng pagkabalisa sa publiko  ang dumaraming pagkakasangkot ng state actors o mga pulis at militar sa mga kaso ng  pagpatay.

Dapat aniyang seryosong imbestigahan ng AFP at PNP ang kanilang hanay at suriin ang kultura nito. 

Hinimok din ni  Hontiveros na magsalita rin ang Malaca├▒ang sa isyu at direktang makipag-usap sa militar upang paalalahanan sila na ang kanilang mandato ay para sa mamamayang Pilipino. | ulat ni Nimfa Asuncion

­čôŞ Sen. Hontiveros/FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us