Police Maj. Gen. Estomo, posibleng susunod na PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si dating Police Major General Napoleon Coronel na hindi malayong susunod na maging Philippine National Police (PNP) Chief ang kasalukuyang Deputy PNP Chief for Operation Police Major General Jonnel Estomo.

Ayon kay Coronel Aniya nasaksihan niya ang mga nagawa ni Estomo sa kanyang mga nahawakang posisyon lalo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na malaki ang naging tulong sa kapayapaan sa Kalakhang Maynila.

Ilang panahon na lamang aniya ay madadagdagan na ang star sa balikat ni Estomo.

Kasabay ng kanyang pahayag, sinabi ni Coronel na kanyang ipagpapatuloy ang pamamahagi ng Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. (PSMBFI) ng mga motorsiklo para sa NCRPO upang makatulong sa pagsugpo sa kriminalidad.

Dagdag pa ni Coronel magbibigay din ang PSMBFI ng tig-₱5,000 sa bawat miyembro nito. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us