VP Sara, dumalaw sa burol ni yumaong Negros Oriental Gov. Degamo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalaw si Vice President Sara Z. Duterte sa burol ng yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nagtungo ang Pangalawang Pangulo sa burol ng yumaong gobernador sa kaniyang hometown sa Siaton, Negros Oriental.

Doon, personal na ipinaabot ni VP Sara ang kaniyang taos-pusong pakikiramay sa biyuda nito na si Mayor Janice, pamilya, mga kaibigan, at residente ng lalawigan.

Sa Facebook post ni VP Sara, kaniyang tinuran na maituturing na trahedya ang pagpanaw ni Gov. Degamo.

Nakiramay din ang Pangalawang Pangulo sa mga naulilang pamilya ng walong iba pang nasawi rin sa madugong insidente noong March 4.

Una nang ipinanawagan ni VP Sara na kailangang matuldukan na ang serye ng karahasan sa mga lokal na opisyal at dapat panagutin ang lahat ng nasa likod nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us