????? ???????????, ???????????? ?? ??? ?????? ??? ??????? ????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan ng pagkilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilang celebrities dahil sa pagiging highest taxpayers.

Sa kick off ng Filing of Income Tax Return para sa taong 2023, ipinagkaloob ang sertipiko ng pagkilala sa mga artista sa bansa.

Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ay sina  Coco Martin, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Willie Revillame, Maja Salvador, Sarah Geronimo at Michael V.

Kasama rin sa binigyan ng pagkilala sina Mel Tiangco, Vic Sotto, Eric Santos, ZsaZsa Padilla, Karylle Yuson, Jed Mandela, Bugoy Drilon at Nino Mulach.

Mismong si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang nag-abot ng pagkilala at pasasalamat sa nabanggit na celebrities highest taxpayers.

Ngayong taon, tampok ang taxpayers campaign ng BIR na: “Tulong-tulong sa Pagbangon, Kapit Kamay sa Pag-ahon, Buwis na Wasto, Alay sa Pilipino”.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Comm. Lumagui na nakasentro sa apat na kampanya ang BIR ngayon, at ito ay ang pagbibigay ng excellent taxpayers service, digitalization, intensification of enforcement activities at transparency and integrity.

Target ng BIR na makalikom ng buwis ngayong taon ng hanggang Php2.8 trillion na siyang gagamitin sa iba’t ibang priority project at services ng gobyerno.

Hinikayat din niya ang publiko, na maagang mag-file ng kanilang ITR at huwag nang paabutin pa ang April 17 deadline.

Maaari na rin daw magbayad online sa mga accredited na bangko, mobile remittance tulad ng Pay Maya, Gcash at Landbank Link Biz Portal. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us