Sen. Risa Hontiveros, nanawagang dapat pagbayarin ang China para pinsalang ginawa nila sa corals sa West Philippine Sea

Inihain ni Senadora Risa Hontiveros ang Senate Resolution 804 na nagpapahayag ng mariing pagkondena sa malawakang pag-aani ng China ng corals sa West Philippine Sea at hinimok ang naaangkop na kumite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa isyu. Ito ay matapos makumpirma na sinira ng mga Chinese militia vessels ang mga bahura o… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, nanawagang dapat pagbayarin ang China para pinsalang ginawa nila sa corals sa West Philippine Sea

Senador Tolentino, handang tumulong sa mga maghahain ng reklamo laban sa paninira ng Chinese vessels sa mga bahura sa WPS

Bukas si Senador Francis Tolentino na maging co-petitioner sakaling may magsulong ng reklamo sa international court kaugnay ng ginawang pagsira ng mga Chinese militia vessel sa mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Tolentino handa siyang tumulong basta’t hindi ito in conflict sa mga ginagawa niya sa… Continue reading Senador Tolentino, handang tumulong sa mga maghahain ng reklamo laban sa paninira ng Chinese vessels sa mga bahura sa WPS

Senador Jinggoy Estrada, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na aksyunan ang paninira ng Chinese militia vessels sa corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal

Umaasa si Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na magsasagawa ng agarang aksyon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay ng natuklasang paninira ng bahura o corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Pinahayag ni Estrada na seryoso at nakakabahala ang pangyayaring ito. Giniit ng… Continue reading Senador Jinggoy Estrada, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na aksyunan ang paninira ng Chinese militia vessels sa corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal

Coral harvesting ng China sa WPS, maaaring panimula ng reclamation ayon kay sen. Tolentino

Ipinunto ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino na maaaring panimula sa reclamation ang nadiskubreng coral harvesting o paninira ng bahura ng mga Chinese militia vessels sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Tingin ni Tolentino, posibleng may ibang plano ang China sa naturang lugar at… Continue reading Coral harvesting ng China sa WPS, maaaring panimula ng reclamation ayon kay sen. Tolentino

Corals sa Rozul Reef, naglaho matapos ang swarming ng Chinese military militia

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines Western Command ang malawakang pagwasak at pagkuha ng mga bahura o mga corals sa Rozul Reef sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Western Command Commander Vice Admiral Albert Carlos, nagpadala sila ng mga scuba divers upang magsagawa ng under water survey ng mapaulat na may swarming ng… Continue reading Corals sa Rozul Reef, naglaho matapos ang swarming ng Chinese military militia