Kamakailan lamang ay isinagawa ang opisyal na paglulunsad ng programang “Buhay Ingatan Droga Ayawan” (BIDA) Program na ginanap sa Anahaw Amphitheatre, Pala-o, Iligan City sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga makabuluhang aktibidad tulad ng malawakang zumba at fun run kasama ang iba’t ibang kawani ng LGU Iligan at mga aktibong barangay at local government units mula sa mga coastal barangay at ibang ahensya ng gobyerno.
Isa lamang ito sa mga programa laban sa iligal na droga sa buong siyudad na kasalukuyang ipinapatupad ng LGU Iligan sa ilalim ng pamumuno ng kanilang butihing alkalde, Mayor Frederick Siao.
Ang BIDA Program ay naglalayong mahikayat ang mga Iliganon na iwasan ang anumang aktibidad sa paggamit ng iligal na droga lalong-lalo na sa sektor ng mga kabataan. Ito ay inaasahang magiging aktibong programa sa lahat ng antas, departamento ng lokal na pamahalahan ng lungsod, mga barangay kaakibat ang national agencies para mapuksa tuluyan ang mga aktibidad ng iligal na droga sa buong lungsod. | ulat ni Alwidad Basher | RP1 Iligan