โ‚ฑ?.?-? ?????? ?? ?????, ????????? ?? ???? ?? ????? ???????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa โ‚ฑ7.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang narekober ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG), sa isang linggong operasyon mula Marso 13 hanggang 19.

Sa ulat ni PDEG Director Police Brigadier General Narciso Domingo kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., 70 operasyon ang kanilang inilunsad sa loob ng naturang panahon, na kinabibilangan ng buy-bust operations, at arrest at search warrant Operations.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 103 suspek, at pagkakasamsam ng 1,151.8 gramo ng shabu at marijuana leaves.

Sinabi ni BGen. Domingo, na sinisikap ng PDEG na itaguyod ang kanilang integridad sa pamamagitan ng mga operasyon na transparent at naayon sa batas, partikular sa aspeto ng supply reduction.

Ipinagmalaki ni Domingo, na sa mga naisagawa nilang operasyon ay walang nasawi at wala ring nangyaring armadong engkwentro. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us