??? ???? ???? ?? ?????? ?? ????, ??????????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) Police Regional Office (PRO) 7 na tinututukan nila ang progreso ng imbestigasyon sa isa pang hazing inciden,t na naganap noong Disyembre sa Cebu.

Sa isang statement sinabi ng PRO 7, na kasalukuyang hinahawakan ng Mambaling Police Station ng Cebu City Police Office ang imbestigasyon sa insidente.

May nakuha nang mga testigo sa kaso na tumukoy sa mga suspek, at handa rin ang mga ito na mag-execute ng mga affidavit.

Ayon sa PRO 7, inaasahan nila ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek sa lalong madaling panahon, para mapanagot ang mga responsable sa pagkamatay ng 20 taong gulang na estudyanteng si Ronnel Baguio.

Ang second year student ng University of Cebu ay namatay noong Disyembre 19, matapos umanong sumailalim sa initiation rites. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us