???????????? ?? ??? ?? ???, ????????????? ?? ??? ????? ???. ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino, na mahalaga ang pagtutulungan ng AFP at Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Gen. Centino sa Flag Raising Ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, kung saan siya ang panauhing pandangal.

Dito ay sinamahan ni Gen. Centino si PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa pagkilala sa 10 natatanging pulis.Ang 10 pulis ay ginawaran ng β€œMedalya ng Kadakilaan,” at β€œMedalya ng Kasanayan” para sa kanilang mahusay na serbisyo.

Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Gen. Centino, na importante para sa mga tauhan ng AFP at PNP na palaging gampanan ang kanilang tungkulin ng may dedikasyon at propesyonalismo. | ulat ni Leo Sarne Photo: PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us