Sa kulungan ang bagsak ng top 3 most wanted ng Las Piñas City sa isinagawang operasyon mga awtoridad.
Kinilala ang akusado na si Sehawi Lumabao, 28 anyos na naaresto sa Brgy. Alma sa Uno, Las Piñas City ng pinagsanib na pwersa ng subpoena section at Pilar police substation dahil sa kasong statutory rape.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na in-issue ni Judge Mildred Jacinto Marquez ng Family Court Br. 2, Las Piñas City.
Walang inirekomendang piyansa sa akusado na nakakulong na ngayon Sa Las Piñas City Police station. | ulat ni Janze Macahilas