₱200,000 halaga ng marijuana, nasamsam ng mga awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa ₱200,000 halaga ng hinihinalang marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa kanilang ikinasang anti-criminality operation sa Caloocan City.

Huli ang dalawang drug suspect na itinuturing na high value individual na kinilalang sina Frederick de Guzman at John Kevin Periano.

Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang mga pulis kaugnay ng nagaganap na ilegal na transaksiyon na may kinalaman sa ilegal na droga sa may Intan Street, Brgy. 153, Caloocan City.

Agad na pinuntahan ng mga awtoridad ang lugar at naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng ilegal na transaksiyon.

Matapos ang maiksing habulan nadakip ang dalawa at nakuha sa kanila ang nasa dalawang kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱240,000.

Reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga suspect. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us