Patuloy pa ring nakararanas ng aftershocks ang Davao de Oro kasunod ng serye ng malalakas na lindol na tumama sa lalawigan mula pa noong March 6.
Batay sa pinakahuling earthquake daily count ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-6 ng umaga ay umabot na sa 1,103 ang kabuuang bilang ng aftershocks.
Nasa 181 ang natukoy na plotted earthquakes habang umakyat sa 27 ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.5 hanggang 5.9.
Nauna nang sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan nitong tatagal ng ilang araw o linggo ang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa lalawigan. | ulat ni Merry Ann Bastasa