???, ??? ?????? ?? ??? ???? ????? ?? ???????? ??? ???. ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa iba pang mga nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na sumuko na.

Ito ang ginawang pahayag ni Galvez kasunod ng pagbuo ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng isang Task Force na siyang tutulong sa Philippine National Police (PNP) sa pagtugis sa iba pang mga suspek sa krimen.

Ayon kay Galvez, hindi na makatatakas ang iba pang at large na suspek sa Degamo slay case dahil bantay-sarado na ng pinagsanib na puwersa ng Militar at Pulisya ang buong lalawigan.

Una rito, inanunsyo nila Galvez at AFP Chief of Staff General Andres Centino ang pagbuo ng Task Force na kinabibilangan ng dalawang brigada at karagdagang anim na batalyon ng mga sundalo para sa isasagawang operasyon ng Pulisya. | ulat ni Jaymark Dagala

?: Screen grab from DND FBLive

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us