??????? ??????? ?? ??? ?????? ?? ???????? ??? ???. ??????, ????? ?? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakilala na ng binuong Special Investigation Task Group o SITG ng Negros Oriental Provincial Police Office may-ari ng 3 sasakyan na ginamit bilang getaway vehicle ng mga nasa likod ng madugong pagpatay kay Gov. Roel Degamo at 8 iba pa.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo sa isinagawang pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw.

Ayon kay Fajardo, nakatutok na ang PNP Highway Patrol Group o HPG para tuntunin ang kinaroroonan ng mga registered owner ng mga nabanggit na sasakyan.

Magugunitang nakita ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isang Pajero, Isuzu pickup at Montero na inabandona ng mga salarin sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Kansumalig sa Bayawan City noong Sabado.

Dito rin napatay sa ikinasang hot pursuit operation ang isa sa mga salarin at natagpuan ang bulto-bulto ng matataas na kalibre ng armas gayundin ang iba pang military gears na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay kina Degamo at 8 iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us