???? ?? ????? ?????? ????? ?? ???????? ???????, ??????????? ?? ??? ?? ?????? ???? ?? ??????? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa langis ang mga isda at lamang dagat na kanilang kinuhanan ng sample sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Sa ginawang analysis ng BFAR, hindi lamang tubig ang may halong langis maging ang mga lamang dagat ay apektado na rin ng oil spill mula sa lumubog na barko na MT Princess Empress.

Kumuha ang BFAR ng sample ng tubig at mga lamang dagat sa mga baybayin sa bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Bansud, Gloria, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Sa bawat litro ng tubig, nakakuha ng 3mg hanggang 5mg ng langis sa bawat litro ng tubig na may kasamang grasa.

Nadiskubre din na mayroong low level na polycyclic aromatic hydrocarbons sa mga isda na ginawang sample ng BFAR, kung saan mapanganib ito sakaling kainin ng tao.

Kaya naman, patuloy na inirekomenda ng BFAR ang pagpapatupad ng fish ban sa buong Oriental Mindoro upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng mga naninirahan doon.

Samantala, pinalawig na rin ng BFAR ang kanilang water and fish samples hanggang Caluya, Antique dahil nagdeklara na rin doon ng fishing ban ang lokal na pamahalaan.

Umabot naman sa Php6.4 million ang naipamahaging livelihood assistance sa mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us