??????Γ‘???, ?????????? ??? ????? ?? ???????? ?? ?????? ?? ??????? ?? ??? ???????? ?????-??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tigil na ang tigil-pasada ng dalawang transport groups at hindi na paaabutin pa ng isang linggo.

Base sa naging statement ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong ikinalugod ng pamahalaan ang naturang pasiya ng MANIBELA at PISTON kasunod ng ginanap na pagpupulong sa MalacaΓ±ang.

Magkakaharap sa pulong sina PCO Secretary Atty. Cheloy Garafil, Undersecretary Roy Cervantes ng Office of the Executive Secretary, PISTON President Mody Florada, at MANIBELA Transport Group Chairperson Mar Valbuena.

Ayon sa PCO, nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aralan ang mga probisyon ng Department Order No. 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines.

Ito ay upang matiyak na maisa-alang-alang ang bawat aspeto sa pagpapatupad ng jeepney modernization habang nais din aniya ng Pangulo na mapakinggan ang mga hinaing ng mga driver at operator.

Bukod dito ay inatasan din ng Pangulo ang DOTr at ang LTFRB ng malalim at malawakang konsultasyon para sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program na dito ay dapat aniyang pare-parehong makabenepisyo
ang mga driver, operator, lalong-lalo na ang mga komyuter. | ulat ni Alvin Baltazar

?: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us