??? ???????? ??????? ?? ???? ?????? ??????, ??????? ?? ???????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahilo-hilo ang driver ng delivery truck makaraang sumalpok sa mga concrete barrier sa North Bound Lane ng Edsa Quezon Avenue.

Ayon Sa MMDA Traffic Constable, mabuti na lamang ay walang nadamay na ibang motorista nang mangyari ang aksidente kaninang madaling araw.

Kwento ng 66 anyos na driver na si Romeo Rivera, nag-deliver siya ng prutas sa Cubao at pauwi na sa Cavite nang maaksidente. Aminado naman ito na nakainom ngunit kaunti lamang.

Maswerteng hindi nagtamo ng sugat ang driver na chineck up ng mga rumespondeng MMDA rescue.

Paalala naman ng mga awtoridad iwasan uminom kung magmamaneho o inaantok upang makaiwas sa aksidente. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us