Umakyat na sa higit โฑ5.4-milyong ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Ibinigay ang ayuda sa mga residente mula sa 118 na apektadong brgys sa MIMAROPA at Western Visayas.
Kaugnay nito ay sumampa na sa 25,197 na pamilya o katumbas ng 112,092 na indibidwal ang naapektuhan ng oil spill.
Nananatili rin sa evacuation center ang 10 pamilya o 40 indibidwal ang inilikas.
Nauna na ring iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchlian na nagsagawa na ng emergency cash payouts ang kanilang field office kung saan nakatanggap ng tig-โฑ8,000 ang mga mangingisda sa Caluya, Antique na apektado ng oil spill.
Bukod dito ay maglulunsad din ng Cash-For-Work program ang ahensya para sa mga nawalan ng pagkakakitaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: DSWD