Magsasagawa ng sarling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation kaugnay sa pagkakapaslang sa engineering student ng Adamson University mula sa hazing rites.
Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na nakarating kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang sinapit ng biktimang si John Mathew Salilig matapos sumailalim sa welcoming rites ng mga ka-brod sa fraternity.
Inatasan naman ni Sec. Remulla ang NBI upang magsagawa ng sariling imbestigasyon at makatulong na mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.
Matatandaang itinuro mismo ng mga kasamahan ng biktimang si Salilig ang lugar sa mga mga awtoridad kung saan ito inilibing sa Cavite. | ulat ni Paula Antolin