??? ?????? ?? ????? ???????? ?? ???????? ??????? ??? ?????, ???????????? ?? ???. ????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagkakaroon ng whole-of-government na aksyon sa pagtugon sa epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Nanawagan si Legarda sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno, na magpatupad ng mabilisang aksyon sa mga banta na dulot ng oil spill para mabawasan ang pinsalang dulot nito sa ecosystem at fishing grounds sa lugar.

Gayundin ang epekto nito sa mga bayan malapit sa oil spill area, na nakadepende ang kabuhayan sa pangingisda at turismo, at higit lalo sa kalusugan ng mga residente doon.

Binigyang diin rin ng senador, ang pangangailangan na tulungan ang mga residenteng apektado ng oil spill, kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng malinis na tubig, pagkain, face mask, at mga gamot habang nagsasagawa ng clean-up drive ang mga lokal na pamahalaan at ahensya sa apektadong lugar.

Nakikita rin ng senador ang pangangailangan na repasuhin na ang Oil Pollution Compensation Act, na nagtatakda ng pananagutan ng mga may ari at insurer ng mga shipping firm na nasa likod ng pinsala.

Plano rin ni Legarda na maghain ng resolusyon para maimbestigahan ang epekto ng oil spill na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us