???????, ????? ?? ???????????? ?? ??????? ??? ????? ?? ??? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa ang pag-aaral ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa water quality sa Palawan, sa gitna pa rin ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Pahayag ito ni Palawan PDRRMO Head Jerry Alili, nang tanungin kung may ipinatutupad na bang fishing ban sa Palawan, makaraang umabot na sa ilang bahagi ng lugar ang oil spill.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na sa kasalukuyan, wala pang fishing ban, dahil hindi pa kasi significant ang volume ng langis na kanilang nakita sa lugar.

“Sa ngayon po ay wala pang pinatutupad na fishing ban dahil nga sa iyong volume na nakita natin ay hindi ganoon ka-significant. Although, nag-conduct na po ng testing ang DENR para po ma-check talaga iyong water quality doon sa area kung saan nagkaroon ng oil spill.” β€” Alili

Kaugnay naman sa mga epekto ng oil spill sa seaweeds plantation area, inaasahan na rin aniya nila ang report para dito upang agad na mapaabutan ng tulong ang mga naapektuhan.

“Iyong effect naman doon sa fish at sa seaweeds plantation area ay inaasahan nating makakarating sa atin nang sa ganoon po ay mabigyan din natin ng agarang tulong iyong mga affected farmers.” β€” Alili | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us