Opisyal nang inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Dipolog, Zamboanga del Norte ang βHalinaβt Magtanim Ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movementβ o HAPAG KAY PBBM kamakailan.
Ang βHAPAG KAY PBBMβ ay isang proyekto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at Barangay Local Government Units (BLGU).
Sa ilalim ng proyekto, hinihikayat ang mga barangay na magsagawa ng communal garden upang mayroong pagkukunan ng sapat na pagkain sa kanilang mga lugar.
Dumalo sa paglunsad ang ilang kinatawan ng DILG, DA, lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Darel Dexter Uy gayundin ang mga Barangay Nutrition Scholars mula sa 21 mga barangay ng lungsod. | ulat ni Bless Eboyan | RP1 Zamboanga