Sa kulungan ang bagsak ng top 3 most wanted ng Las PiΓ±as City sa isinagawang operasyon mga awtoridad.
Kinilala ang akusado na si Sehawi Lumabao, 28 anyos na naaresto sa Brgy. Alma sa Uno, Las PiΓ±as City ng pinagsanib na pwersa ng subpoena section at Pilar police substation dahil sa kasong statutory rape.
Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na in-issue ni Judge Mildred Jacinto Marquez ng Family Court Br. 2, Las PiΓ±as City.
Walang inirekomendang piyansa sa akusado na nakakulong na ngayon Sa Las PiΓ±as City Police station. | ulat ni Janze Macahilas