????????? ?????? ?? ??????, ????????, ?????????? ?? ???????????? ?? ?????? ???? ?????? ??? ??????? ?? ?????? ???????? ?? ??????Γ‘??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pulong sa MalacaΓ±an ay magsasagawa ngayong araw ng magkahiwalay na pulong balitaan ang transport group na PISTON at MANIBELA na nanguna sa dalawang araw na tigil-pasada.

Unang nagpatawag ang PISTON ng presscon mamayang alas-8 ng umaga sa UP Diliman kung saan inaasahang iuulat mismo ni PISTON President Mody Floranda sa lahat ng tsuper, operator, at mga komyuter na sumuporta sa transport strike ang naging resulta ng dayalogo sa MalacaΓ±ang.

Sunod naman ang pulong balitaan ng MANIBELA mamayang alas-10 ng umaga.

Una nang inanunsyo ni MANIBELA Chair Mar Valbuena na ititigil na nito ang transport strike matapos ang pakikipagpulong kina Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil at Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes.

Bago ito ay naglabas na rin ng pahayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan sinabi nitong bukas na sila sa panukala ng ilang transport group na panatilihin ang tinaguriang “iconic” na itsura ng mga tradisyonal na jeep sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kasunod iyan ng suhestyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tingnan kung maaari bang payagan na lamang na bumiyahe ang mga tradisyonal na jeep na maayos at kaya pa namang pumasada. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us