Pagtatapos ng La Niña sa bansa, idineklara ng PAGASA

Opisyal nang inanunsyo ng weather bureau PAGASA ang pagtatapos ng La Niña o ang hindi pangkaraniwang haba ng panahon ng tag-ulan sa bansa. Sa inilabas nitong advisory, sinabi ng PAGASA na batay sa climate models ay inaasahang El Niño-Southern Oscillation (ENSO) neutral condition na maaring La Niña o El Niño ang iiral ngayong buwan hanggang… Continue reading Pagtatapos ng La Niña sa bansa, idineklara ng PAGASA

Patuloy na pagliban ni Rep. Teves, pinaiimbestigahan sa House Committee on Ethics and Privileges

Nakatakdang talakayin ngayong araw ng House Committee on Ethics and Privileges ang Committee Resolution No. 1. Sa ilalim ng resolusyon ay hinihimok ang naturang komite na sakupin ang jurisdiction at motu-proprio na magsagawa ng imbestigasyon sa patuloy na pagliban ni Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa kabila ng kawalan ng travel authority. Batay… Continue reading Patuloy na pagliban ni Rep. Teves, pinaiimbestigahan sa House Committee on Ethics and Privileges

CSC, tumatanggap na ng aplikasyon para sa Local Treasury Exam

Binuksan na ng Civil Service Commission (CSC) ang application period para sa mga nais kumuha ng Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE). Sa abiso ng CSC, tatanggap ito ng aplikasyon para sa exam hanggang sa susunod na buwan, April 12. First-come, first-served basis ang paiiralin dito kaya naman ngayon pa lang ay hinihikayat na… Continue reading CSC, tumatanggap na ng aplikasyon para sa Local Treasury Exam

Pagpapanatili sa maiden name ng isang babae kahit kasal na, ipinapanukala sa Kamara

Tinalakay na sa plenaryo ng Kamara ang panukala upang patuloy na magamit ng mga babae ang kanilang pangalan sa pagkadalaga kahit na sila ay mayroon nang asawa. Aamyendahan ng House Bill 4605 ang Civil Code of the Philippines upang maisama ang opsyon na panatilihin ang maiden first name at surname ng babae kahit pa kasal… Continue reading Pagpapanatili sa maiden name ng isang babae kahit kasal na, ipinapanukala sa Kamara

DA, makikipagtulungan sa Cebu gov’t sa isyu ng ASF

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na tututukan nito ang pinakabagong banta ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Cebu partikular na sa Carcar City. Kasunod ito ng iniutos ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ipatigil ang culling o pagpatay sa mga baboy na taliwas naman sa polisiya ng DA para mapigilan ang pagkalat… Continue reading DA, makikipagtulungan sa Cebu gov’t sa isyu ng ASF

Isang asset, kinumpirma ang pagbabayad ng shabu sa mga impormante sa drug ops ng PDEA, PNP

Kinumpirma mismo ng isang asset ang kalakaran ng paghingi ng droga bilang kabayaran para sa mga impormante at ang drug recycling sa bansa. Pababahagi ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, mismong ang impormante ang nagkwento nito sa ginawang executive session ng komite. Aniya, binibigyan ng ‘basura’ o street lingo para sa… Continue reading Isang asset, kinumpirma ang pagbabayad ng shabu sa mga impormante sa drug ops ng PDEA, PNP

₱1.2-B halaga ng droga, nasabat ng PNP mula Enero hanggang Marso

Umabot sa ₱1.2-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang narekober ng Philippine National Police (PNP) mula January 1 hanggang March 10 sa taong ito. Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. resulta ito ng 9,375 na operasyon sa buong bansa kung saan naaresto ang 12,622 big time drug pusher at street level… Continue reading ₱1.2-B halaga ng droga, nasabat ng PNP mula Enero hanggang Marso

Speaker Romualdez, nakausap na si Rep. Teves

Nagkausap na si House Speaker Martin Romualdez at Negros Oriental Representative Arnie Teves. Ayon kay Romualdez, kagabi sila nagkausap sa telepono ni Teves. Nangangamba aniya si Teves sa seguridad niya at ng kaniyang pamilya kaya’t may alinlangan itong umuwi ng Pilipinas. Tiniyak naman ni Romualdez na bilang pinuno ng Kamara ay sisiguruhin niya ang kaligtasan… Continue reading Speaker Romualdez, nakausap na si Rep. Teves

VP Sara, dumalaw sa burol ni yumaong Negros Oriental Gov. Degamo

Dumalaw si Vice President Sara Z. Duterte sa burol ng yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo. Nagtungo ang Pangalawang Pangulo sa burol ng yumaong gobernador sa kaniyang hometown sa Siaton, Negros Oriental. Doon, personal na ipinaabot ni VP Sara ang kaniyang taos-pusong pakikiramay sa biyuda nito na si Mayor Janice, pamilya, mga kaibigan, at residente… Continue reading VP Sara, dumalaw sa burol ni yumaong Negros Oriental Gov. Degamo

PNP, nilinaw na may naka-duty na security detail kay Negros Oriental Gov. Degamo noong araw na paslangin ito

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na apat lamang ang naka-assign na security detail para kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Ito’y ayon kay PNP Spokesperson, Police Col. Jean Fajardo matapos magpaliwanag kay PNP Chief, Police Gen. Rodolfo Azurin Jr ang apat na Police security ng gobernador na sinasabing missing in action noong araw na… Continue reading PNP, nilinaw na may naka-duty na security detail kay Negros Oriental Gov. Degamo noong araw na paslangin ito