Mahigit 800 sako ng oil contaminated debris, nakolekta ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng Oil Spill Recovery Operation

Nasa 894 na sako na ng oil contaminated debris, habang 77.5 na drum naman ng waste for treatment ang nakolekta ng pamahalaan sa nagpapatuloy na clean-up drive nito, kasunod ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress noong ika-28 ng Pebrero sa Naujan, Oriental Mindoro. Kaugnay nito, ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria… Continue reading Mahigit 800 sako ng oil contaminated debris, nakolekta ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng Oil Spill Recovery Operation

Rehabilitasyon ng ilang imprastraktura sa Maynila, patuloy na isinasagawa

Patuloy na pagsasagawa ng rehabilitasyon ng mga imprastaktura sa lungsod ng Maynila, iniulat ng pamahalaang lunsod ngayong Huwebes. Ang instilasyon ng mga bagong streetlights at ang restoration ng mga sidewalk at manhole ay kabilang sa isinasaayos ng pamahalaang lungsod. Nagpapatuloy ang rehabilitasyon ng mga imprastraktura sa ilalim ng Department of Engineering and Public Works, Manila… Continue reading Rehabilitasyon ng ilang imprastraktura sa Maynila, patuloy na isinasagawa

Higit ₱43-M halaga ng tulong, naipagkaloob ng Nat’l Gov’t, NGOs sa mga apektado ng oil spill

????? ₱??-? ?????? ?? ??????, ???????????? ?? ???’? ???’?, ???? ?? ??? ???????? ?? ??? ????? Nasa ₱43.35 milyon na halaga na ng tulong ang naipaabot sa 74 na lugar sa Region IV-B (MIMAROPA) at Region VI (Western Visayas) na apektado ng oil spill, mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro,… Continue reading Higit ₱43-M halaga ng tulong, naipagkaloob ng Nat’l Gov’t, NGOs sa mga apektado ng oil spill

Pagawaan ng fiber glass na bangka sa Antipolo City, pansamantalang ipinasara dahil sa masangsang na amoy

Pinagpapaliwanag ng Department of Interior and Local Government ang may-ari ng isang pagawaan ng mga fiber glass na bangka kung bakit hindi dapat sila tuluyang ipasara. Ito’y matapos makatanggap ng reklamo ang Office of the Secretary for Barangay Affairs mula sa mga residente ng Brgy. Inarawan, Antipolo City kaugnay sa masangsang na amoy mula sa… Continue reading Pagawaan ng fiber glass na bangka sa Antipolo City, pansamantalang ipinasara dahil sa masangsang na amoy

Deputy Chief of Staff Vice Adm. Reyes, nagpaalam na sa serbisyo matapos ang 38 taong paglilingkod

Nagpaalam na sa serbisyo si Armed Forces of the Philippines Deputy Chief of Staff (TDCS AFP) Vice Admiral Rommel Anthony SD Reyes, PN matapos ang 38 taong paglilingkod sa militar. Sa retirement ceremony kahapon sa Camp Aguinaldo, pinarangalan ng testimonial Parade and Review si VAdm. Reyes, na naglingkod bilang ika-79 TDCS. Ang seremonya ay pinangasiwaan… Continue reading Deputy Chief of Staff Vice Adm. Reyes, nagpaalam na sa serbisyo matapos ang 38 taong paglilingkod

TESDA, pinasalamatan ang DBM sa pagbibigay ng mahigit ₱3.4-B pondo sa scholarship program nito

Pinasalamatan ng Technical Education Skills Development Authority o TESDA ang Department of Bugdet and Management sa pagbibigay ng alokasyon ng pondo sa scholarship programs ng kagawaran. Ayon kay TESDA Director General Danilo Cruz, napapanahon ang pagre-release ng DBM ng aabot sa mahigit 3.4 bilyong piso na para sa 1.8 milyong na magtatapos ngayong 2023. Dagdag… Continue reading TESDA, pinasalamatan ang DBM sa pagbibigay ng mahigit ₱3.4-B pondo sa scholarship program nito

IRR ng 3 batas sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa, dapat nang ilabas –SP Zuburi

Kinuwestiyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri kung bakit hindi pa nailalabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Public Services Act, Retail Trade Liberalization Act, at Foreign Investments Act. Matatandaang layon ng naturang mga batas na makapasok sa Pilipinas ang mas maraming foreign investments. Giit ni Zubiri, isang taon na ang lumipas mula nang… Continue reading IRR ng 3 batas sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa, dapat nang ilabas –SP Zuburi

VP Sara, binigyang-diin ang pagpapalakas ng mga programang pangkabuhayan, peace & order para sa pagbangon ng turismo sa Negros Occ

Ayon sa Ikalawang Pangulo, nakahanda ang kanyang tangapan sa mga posibleng tulong na kakailanganin ng naturang lalawigan upang muling makabangon at manumbalik ang sigla ng turismo at ekonomiya sa Negros Occidental. Binigyang-diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte Carpio ang pagpapalakas ng programang pangkabuhayan at peace and order situation sa pagbangon ng tourism… Continue reading VP Sara, binigyang-diin ang pagpapalakas ng mga programang pangkabuhayan, peace & order para sa pagbangon ng turismo sa Negros Occ

Hirit sa taas singil ng NAPOCOR, nakatakdang desisyunan ng ERC ngayong buwan

Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission o ERC na nakatakda na nitong aksyunan ang petisyon sa taas singil ng National Power Corporation. Sa pandesal forum, sinabi ni ERC Chair Atty. Monalisa Dimalanta na nakahanay na sa agenda ng komisyon ngayong buwan ang pagdedesisyon sa hirit ng NAPOCOR partikular sa Universal Charge Missionary Electrification Rate o UC-ME.… Continue reading Hirit sa taas singil ng NAPOCOR, nakatakdang desisyunan ng ERC ngayong buwan

Mahigit 3 tonelada ng iligal na drogra, sinunog ng PDEA sa isang waste facility sa lungsod ng Trece Martires

Umabot sa mahigit tatlong tonelada ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang waste facility sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite ngayong araw. Ayon kay PDEA Director General Virgilio Lazo, ang naturang tinimbang na droga ay nagkakahalaga ng aabot sa mahigit 19 bilyong piso na nasabat… Continue reading Mahigit 3 tonelada ng iligal na drogra, sinunog ng PDEA sa isang waste facility sa lungsod ng Trece Martires