Mahigit ₱1-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa Antipolo City

Arestado ang isang drug suspek na itinuturing ding High Value Target o HVT ng Philippine National Police (PNP) matapos ang ikinasang operasyon nito sa Sitio Culasisi, Brgy. San Luis, Antipolo City. Kinilala ni Rizal Provincial Police Office Director, P/Col. Dominic Baccay ang naaresto na si Rico Abit alyas Christian, 29 anyos at residente ng Quezon… Continue reading Mahigit ₱1-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa Antipolo City

PDP-Laban, pagpupulungan ang magiging desisyon ng partido sa panukalang Cha-Cha

Nanindigan si Senador Francis Tolentino na wala pang opisyal na posisyon ang PDP-Laban tungkol sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas o Charter Change. Sinabi ng senador na maging siya ay wala pa ring stand tungkol sa naturang panukala. Ibinahagi ni Tolentino na sa March 21 pa magpupulong ang mga opisyal at miyembro ng kanilang partido… Continue reading PDP-Laban, pagpupulungan ang magiging desisyon ng partido sa panukalang Cha-Cha

Dry-run ng Exclusive Motorcycle Lane, palalawigin pa ng isang linggo ayon sa MMDA

Ipinagpaliban muna ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang full implementation para sa exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Romando Artes ay para bigyang daan ang patuloy na paglalagay ng aspalto sa naturang lansangan sa pangunguna ng Department of Public Works and… Continue reading Dry-run ng Exclusive Motorcycle Lane, palalawigin pa ng isang linggo ayon sa MMDA

Pagbubukas ng library sa mga kulungan, pinapurihan ng Rizal solon

Pinapurihan ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang proyekto ng BJMP na magbukas ng library sa jail facilities bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) Ayon sa mambabatas, mahalaga na mabigyan ng oportunidad at access sa edukasyon ang mga PDL. Hindi naman kasi para lamang sa pagpaparusa ang layunin ng kulungan… Continue reading Pagbubukas ng library sa mga kulungan, pinapurihan ng Rizal solon

20 Kabahayan, nasunog sa lungsod ng Parañaque

Anim ang kumpirmadong sugatan matapos lamunin ng apoy ang may 20 kabahayan sa Gomburza Extension, Brgy. Sto. Niño, Parañaque City. Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region o BFP-NCR, sumiklab ang sunog dakong alas-2:03 ng hapon ngayong araw na umakyat pa sa ikalawang alarma. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, pawang… Continue reading 20 Kabahayan, nasunog sa lungsod ng Parañaque

Grupo ng commuters, pinabibigyang linaw sa LFTRB ang magiging sistema ng fare discount sa mga PUV

Nais ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na ipaklaro sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang magiging sistema sa pagbibigay ng fare discount sa lahat ng Public utility vehicle. Ayon kay Atty. Ariel Inton, Pangulo ng LCSP, dapat klaruhin kung anu-ano ang mga sasakyan na sakop ng fare discount. Bagamat tumutukoy sa jeep,… Continue reading Grupo ng commuters, pinabibigyang linaw sa LFTRB ang magiging sistema ng fare discount sa mga PUV

Mga ulat ng human trafficking dahilan ng paghihigpit ng BI sa pagpapalabas ng mga Pilipino sa abroad

Ipinaliwanag ng Bureau of Immigration na ang dahilan ng paghihipit ng mga ito ay dahil na rin sa mga ulat ng mga nabibiktima ng human trafficking. Ito’y kaugnay sa isang Tiktok post ng isang pasaherong Pinay na dumanas ng pahirap sa immigration personnel noong December 2022. Bunsod nito, humingi rin ng paumanhin ang Bureau sa… Continue reading Mga ulat ng human trafficking dahilan ng paghihigpit ng BI sa pagpapalabas ng mga Pilipino sa abroad

Dredging sa Laguna Lake, dapat nang pag-aralan muli ng gobyerno ayon sa isang mambabatas

Hinikayat ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang pamahalaan na muling repasuhin ang panukalang dredging ng Laguna Lake upang maibsan ang pagbaha sa karatig probinsya at Metro Manila. Sa pagdining ng House Committee on Ecology, sinabi ni Fernandez na dapat muling i-asses ng gobyerno na buhayin ang 18.7 billion pesos Laguna Lake Rehabilitaion Project… Continue reading Dredging sa Laguna Lake, dapat nang pag-aralan muli ng gobyerno ayon sa isang mambabatas

DFA, nakipagpulong sa bansang Ireland para sa pagpapaigting ng educational cooperation sa pagitan ng dalawang bansa

Nakipagpulong si Foreign Affairs Secretary Undersecretary Jesus S. Domingo sa bansang Ireland para sa pagpapaigting ng educational cooperation ng dalawang bansa. Layon ng naturang pagpupulong na magkaroon ng mas matibay na ugnayan ang dalawang bansa sa educational cooperation ng dalawang bansa. Kabilang sa nais ng Ireland na ihatid na tulong mula Pilipinas ay ang pagpapalakas… Continue reading DFA, nakipagpulong sa bansang Ireland para sa pagpapaigting ng educational cooperation sa pagitan ng dalawang bansa

MPD, naglatag ng seguridad sa idaraos na Teachers Examination sa Maynila sa Linggo

Handa na ang Manila Police District (MPD) sa idaraos na Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) ngayong taon sa Lungsod ng Maynila. Nakipag-ugnayan na si MPD Director Police Brig. Gen. Andre Dizon sa Professional Regulations Commission (PRC) para sa mga ilalatag na seguridad. Nalaman kay Dizon na nagtalaga na siya ng 100 personnel ng MPD… Continue reading MPD, naglatag ng seguridad sa idaraos na Teachers Examination sa Maynila sa Linggo