CamSur Solon, hinikayat ang Kamara, Senado na samantalahin ang congressional break para pag-usapan ang Cha-Cha

Hinimok ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Kamara at Senado na samantalahin ang Holy Week break ng Kongreso para pagpulungan ang Charter Change. Ayon sa mambabatas maaaring ituloy na ng dalawang kapulungan ang naudlot na pulong sa pagitan ng Constitutional Amendments Committee habang naka-break ang sesyon upang ipakita ang sense of urgency o kahalagahan… Continue reading CamSur Solon, hinikayat ang Kamara, Senado na samantalahin ang congressional break para pag-usapan ang Cha-Cha

Sen. Grace Poe, umaasang makakatulong ang itinatag na Water Management Office sa nagbabadyang krisis sa tubig sa Pilipinas

Welcome para kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe ang pagbuo ng Water Management Office habang nakabinbin pa sa Kongreso ang mga panukalang batas para sa pagtatatag ng isang hiwalay na ahensyang mangangasiwa sa suplay ng tubig ng bansa. Para kay Poe, napapanahon ang naging hakbang na ito ng Ehekutibo. Umaasa ang… Continue reading Sen. Grace Poe, umaasang makakatulong ang itinatag na Water Management Office sa nagbabadyang krisis sa tubig sa Pilipinas

Nasa 90 active investment leads, naitala ng pamahalaan

Nasa 90 aktibong investment leads ang binabantayan ngayon ng Board of Investments (BOI), mula sa Chinese companies at sa iba’t ibang sektor. Kasunod na rin ito ng naging State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Beijing noong Enero. Ayon sa Pangulo ang investment leads na ito ay nasa linya ng manufacturing, information technology,… Continue reading Nasa 90 active investment leads, naitala ng pamahalaan

Preventive suspension sa mga isinasangkot sa isyu ng Pharmally procurement, pinagpasalamat ni Sen. Hontiveros

Ikinagalak ni Senadora Risa Hontiveros ang paglalabas ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension sa mga isinasangkot sa kwestiyunableng transaksyon ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa kumpanyang Pharmally Pharmaceutical corporation. Matatandaang sina dating Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at Senadora Risa Hontiveros ang nagsulong ng pagsasampa ng… Continue reading Preventive suspension sa mga isinasangkot sa isyu ng Pharmally procurement, pinagpasalamat ni Sen. Hontiveros

Sen. Gatchalian, nais nang ganap na i-ban ang mga POGO

??????? ??????????, ???? ???? ????? ?? ?-??? ??? ??? ???? Pinanawagan ni Senate Committee on Ways and Means chairman Sherwin Gatchalian na ipagbabawal na ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas. Sa isang privilege speech, prinesenta ni Gatchalian ang Chairman’s Report o ang findings ng kanyang kumite sa isinagawa nilang mga pagdinig tungkol… Continue reading Sen. Gatchalian, nais nang ganap na i-ban ang mga POGO

Pagtatag ng Presidential Help Desk na tutugon sa financial at medical request ng publiko, pinabubuo ng Malacañang

Magtatayo ng Presidential Help Desk ang Marcos Administration upang tutukan ang mga financial at medical request for assistance na isinu-sumite ng publiko sa Office of the President (OP). Ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, ang help desk na ito ay tutulong sa mga umiiral nang health services at projects ng pamahalaan, sa pamamagitan… Continue reading Pagtatag ng Presidential Help Desk na tutugon sa financial at medical request ng publiko, pinabubuo ng Malacañang

Office of the Vice President, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Baguio City

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga naging biktima ng sunog sa public market sa Baguio City, noong Marso 11. Sa pamamagitan ng OVP-Disaster Operations Center at Dagupan Satellite Office, nagkaloob ang tanggapan ng relief assistance sa 1,415 families o 5,340 individuals na naapektuhan ng sunog. Nasa 1,500 Relief for… Continue reading Office of the Vice President, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Baguio City

AFP Chief, nagpasalamat sa pagsasanay ng India sa mga Pilipinong sundalo

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu S. Kumaran sa tulong ng kanilang bansa sa pagsasanay ng mga Pilipinong sundalo. Ang pasasalamat ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo sa Indian Technical and Economic Cooperation (ITEC) Day 2023 Reception sa… Continue reading AFP Chief, nagpasalamat sa pagsasanay ng India sa mga Pilipinong sundalo

Papel na ginampanan ng FFCCCII sa produktibong State Visit ni Pangulong Marcos Jr. sa China, kinilala ng pangulo

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa suporta ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa partisipasyon ng mga miyembro nito sa naging State Visit ng pangulo sa Beijing, noong Enero. Sa ika-33 Biennial convention ng FFCCCII sa Pasay City, sinabi ng pangulo na naging kapaki-pakinabang ang kanilang partisipasyon sa… Continue reading Papel na ginampanan ng FFCCCII sa produktibong State Visit ni Pangulong Marcos Jr. sa China, kinilala ng pangulo

Marawi rehab, nasa 85% na ang completion

Tinututukan na ng pamahalaan ang paglalagay ng patubig sa Marawi City, partikular iyong bahagi ng siyudad na lubhang naapektuhan ng kaguluhan noong kubkubin ng Maute terrorist group ang lungsod, ika-23 ng Mayo, 2017. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Marawi Compensation Board Chair Atty. Maisara Dandamun-Latiph, na base sa impormasyon mula sa Task Force… Continue reading Marawi rehab, nasa 85% na ang completion