PCG, ayaw nang maging “last touch” sa mga papaalis na barko

Nanawagan ang Philippine Coast Guard (PCG) na tanggalin na sa kanila ang responsibilidad ng pre-departure inspection sa mga barko. Sa Balitaan sa Tinpayan pinaliwanag ni PCG Spokesperson Arman Balillo, na dapat ipaubaya na sa shipping companies at mga kapitan ng barko ang pag-check ng mga safety measure sa tuwing umaalis ang mga ito, gaya ng… Continue reading PCG, ayaw nang maging “last touch” sa mga papaalis na barko

Mental Health Services sa frontliners, inilunsad ng First Scout Ranger Regiment

Inilunsad ng First Scout Ranger Regiment (FSR) ang kanilang Behavioral Hygiene Hub (BHH) na magkakaloob ng mental health services sa mga tropa na nasa frontline. Sa pakikipagtulungan ng Neuro-Psychiatric Section ng Army General Hospital, nagsagawa ng Mobile Neuro-Psychiatric Testing at Physical/Medical Exam ang BHH team ng FSR sa mga sundalo ng 803rd Infantry Brigade, 8th… Continue reading Mental Health Services sa frontliners, inilunsad ng First Scout Ranger Regiment

Higit 19,000 apektado ng oil spill, nakikinabang na sa cash-for -work program ng DSWD

Aabot na sa 19,895 na mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at Antique ang kasalukuyang benepisyaryo ng Cash-for-Work (CFW) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill lalo na ang mga mangingisda. Idinideploy… Continue reading Higit 19,000 apektado ng oil spill, nakikinabang na sa cash-for -work program ng DSWD

Mahigit 55,000 mag-aaral sa Masbate, apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA — VP Sara Duterte

Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na umabot na sa 155 pampublikong paaralan sa Masbate ang pansamantalang nagpapatupad ng distance learning, dulot ng bakbakan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA). Ayon kay VP Sara, naapektuhan ang 55,199 learners at 2,815 school personnel mula sa anim na bayan dahil sa… Continue reading Mahigit 55,000 mag-aaral sa Masbate, apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA — VP Sara Duterte

Mahigit 1,000 motorista, nasampolan ng MMDA dahil sa paglabag sa Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Ave.

Sumampa na agad sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay sa unang araw ng pagpapatupad ng Exclusive Motorcycle Lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, ngayong araw. Batay sa datos ng MMDA mula nitong alas-12 ng tanghali, pumalo na sa 1,238 ang bilang ng… Continue reading Mahigit 1,000 motorista, nasampolan ng MMDA dahil sa paglabag sa Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Ave.

Patuloy na pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region, ipinangako ni Pangulong Marcos

Makakaasa ang mga Pilipino sa patuloy na commitment ng Marcos Administration sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region, at para na rin sa isang mapayapa, masagana, at nagkakaisang Pilipinas. Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-9 na anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, sinabi ng pangulo na sa nakaraang… Continue reading Patuloy na pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region, ipinangako ni Pangulong Marcos

Bentahan ng Gcash accounts na ginagamit pang-scam, tinututukan na ng NBI

Nakipagpulong ngayong araw ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga opisyal ng Globe Telecom at GCASH kaugnay ng lumalawak ngayong bentahan ng mga beripikadong Gcash account na ginagamit sa scam. Kasunod ito ng serye ng entrapment operations na isinagawa ng NBI Cybercrime Division. kung saan naaresto ang apat na indibidwal na sangkot sa bentahan… Continue reading Bentahan ng Gcash accounts na ginagamit pang-scam, tinututukan na ng NBI

Senate-House meeting, dapat nang matuloy matapos ihayag ni Speaker Romualdez ang pagiging bukas sa paraang nais ng Senado sa Cha-cha

Muling kinalampag ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang mga kasamahang mambabatas sa Kamara at Senado na ituloy nang pagpulungan ang Charter Change. Ayon kay Villafuerte, ngayong sinabi na ni House Speaker Martin Romualdez na bukas siyang aralin ang anomang suhestiyon ng Senado sa pamamaraan ng pag amyenda sa Saligang Batas ay dapat samantalahin na… Continue reading Senate-House meeting, dapat nang matuloy matapos ihayag ni Speaker Romualdez ang pagiging bukas sa paraang nais ng Senado sa Cha-cha

MIAA, ililipat na ng terminal ang iba pang international flights

Patuloy ang ginagawang paglilipat ng mga international flight ng MIAA. Ito ay para mas mapabuti ang serbisyo sa mga paliparan. Simula July 1 ang mga international flight sa NAIA Terminal 2 ay ililipat na sa Terminal 3 at 4. Ang rationalization program ng MIAA ang layong gawing pang-domestic travel ang NAIA Terminal 2. Bukod dito,… Continue reading MIAA, ililipat na ng terminal ang iba pang international flights

Exclusive Motorcycle Lane, mahigpit nang ipinapatupad sa Commonwealth Avenue

Simula ngayong araw, March 27, maghihigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority at QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa implementasyon ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Ave., sa Quezon City. Pinangunahan nina MMDA Traffic Enforcement Group Dir Atty. Victor Nunez at QC TTMD OIC Dexter Cardenas ang briefing sa humigit kumulang 100… Continue reading Exclusive Motorcycle Lane, mahigpit nang ipinapatupad sa Commonwealth Avenue