4 ?? ???????? ?? ??????? ?? ?????? ??? ????? ?? ????, ????????? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naliligo sa sariling mga dugo ang apat na miyembro ng pamilya makaraan pagsasaksakin ng isang lalaki na kanilang stepfather sa Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite.

Pawang mga menor de edad ang mga nasawi na ang pinakabata ay anim na taong gulang na kinilalang si Condrado Bisa; Jacklyn Bisa, walong taong gulang; Bianca Rose Bisa, 10 taong gulang; at ang katorse anyos na si Princess Viajan Marie Doria.

Ayon sa Pulisya nakatanggap sila ng tawag mula sa barangay na nag-amok ang suspect na si Felimon Galisangga Escalona.

Nahirapan ang mga pulis na pasukin ang bahay kung kaya’t gumamit pa ng vault cutter upang mabuksan ang gate.

Sa imbestigasyon lumalabas na nagselos ito sa kanyang kinakasama na nanay ng mga biktima na nagtatrabaho sa Middle East kaya napatay nito ang mga bata.

Sinubukan din ng suspect na kitilin ang kanyang buhay ngunit agad siyang isinugod ng mga rumespondeng pulis sa pinakamalapit na ospital. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us