4-??-????? ?????? ?? ????, ?????? ?? ????? ?? ????? ?????, ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring sunog sa Malvar Street, Barangay South Cembo, Makati City.

Dakong ala-una ng madaling araw nang magsimula ang sunog na agad itinaas sa ikatlong alarma dahil gawa ang mga bahay sa light materials.

Kinilala ang apat na taong gulang na batang lalaking nasawi na si Aaron Lance Apostol.

Ayon kay SFO4 Judy Saberon mag-isang natutulog ang bata sa ikalawang palapag nang bahay kung saan gamit lamang nito ay isang rechargable na ilaw at electric fan na posibleng nag-overheat.

Aabot sa walong bahay ang nasunog habang 16 na pamilya ang apektado at nasa higit isa’t kalahating milyong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Idineklarang fire out ang sunog dakong alas-2:26 ng madaling araw patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi nito.

Ito aniya ang pangalawang sunog na naitala sa Makati ngayong Fire Prevention Month. Kaya paalala ng mga awtoridad na maging maingat upang makaiwas sa sakuna. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us