Ikinatuwang makita ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin M. Garcia sa kanyang pag-iikot sa voting centers ang mga botante para sa Marawi plebiscite ngayong March 18, 2023 na aktibong nakikilahok sa plebisito na ninanais makabuo ng bagong dalawang barangay.
Aniya, kung kahapon ay inaasahan raw ng COMELEC na sana ay umabot man lang ng 50% ang mga boboto ngunit sa nakita raw niya ngayong umaga ay maaaring umabot sa 90% – 92% ang voting turnout ng dalawang barangay.
Dagdag pa niya, kung sakali mang manalo ang botong “yes” ay isusunod na ang mga prosesong dapat gawin batay sa nakasaad sa ordinansa ng lungsod hinggil rito kagaya ng pagkakaroon ng Internal Revenue Act at iba pa.
At paglilinaw rin niya na sakaling papabor ang boto sa paghahati ng dalawang barangay ay makakaboto ang mga botante sa darating na Barangay & Sangguniang Kabataan elections ngayong taon sa kanilang orihinal na barangay kung saan sila galing.
Sa nakikitang partisipasyon ng mga botante ay inaasahang matatapos ang botohan bago pa man mag alas-tres ng hapon ngayong araw. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi