Administratibong kaso vs. 13 tauhan ng CIDG sa umano’y ‘hulidap’ incident, ipinag-utos ni Gen. Azurin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagsulong ng administratibong kaso laban sa 13 pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR na sangkot sa kwestyonableng raid sa Parañaque noong nakaraang linggo.

Ito’y kahit na binawi na ng mga Chinese na biktima umano ng “hulidap” ang kanilang unang pahayag na kinuha umano ng mga pulis ang kanilang mga mamahaling relo, bag, alahas at cash matapos silang arestohin dahil sa pagsusugal.

Paliwanag ng PNP chief, maaring nawala ang kriminal na pananagutan ng mga pulis kung tumanggi nang magreklamo ang mga biktima, pero meron pa rin silang administratibong pananagutan sa pamamaraan ng pagsasagawa nila ng operasyon.

Malinaw aniya na may operasyon, at may mga inaresto, pero walang isinagawang inquest proceedings para sa isang “inquestable offense”.

Iimbestigahan aniya ng Internal Affairs Service (IAS) kung may mga nalabag na Police operational procedures ang naturang mga pulis para maiwasan na maulit. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us