AFP, umaasang ito na ang huling taon na magdiriwang ng anibersaryo ang NPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malapit na ang wakas para sa Communist Terrorist Group na New People’s Army (NPA).

Ito ang mensahe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasunod ng ika-54 na anibersaryo ng Komunistang Grupo ngayong araw.

Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Medel Aguilar, dahil sa mangilan-ngilan na lamang ang nalalabing miyembro ng NPA kumpiyansa silang hindi na magtatagal at tuluyan na itong malalansag.

Umaasa aniya ang Hukbong Sandatahan, na ito na ang huling taon na magdiriwang ang NPA ng kanilang anibersaryo at magiging bahagi na lamang ito ng kasaysayan sa mga susunod na taon.

Dagdag pa ni Aguilar, sa dami ng mga nagbabalik-loob na mga dating rebelde at sa mga programang inilalaan ng pamahalaan para rito, tiyak na matutupad na ang pangarap ng lahat na matamo ang kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us