Alkalde ng Taguig, pinapurihan ang dalawang babaeng pulis sa kanilang pagtanggi sa suhol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang dalawang babaeng pulis matapos tumangging tanggapin ang mahigit ₱100,00 na suhol mula sa naarestong Chinese national na sangkot sa iligal na droga.

Kinilala ng Akalde ang dalawang pulis na sina Patrolwoman Monalisa Bosi at Patrolwoman Charmaine Galapon na kapwa naka-assign sa Taguig City Police Sub-Station 1 na nakabase sa Bonifacio Global City sa Brgy. Fort Bonifacio.

Una rito, naaresto nila Bosi at Galapon ang Chinese National na si Bin Li na nag-alok sa kanila ng suhol kapalit ang kalayaan ng isa pang naaresto nilang drug suspek na si Deng Jiliang noong Marso 26.

Ayon kay Mayor Cayetano, hindi matatawaran ang ipinakitang integridad ng dalawang babaeng pulis at patunay lamang ito na sila’y maaasahan at mapagkakatiwalaan na ginagawa ang tama gayundin ang nararapat.

Magsilbi aniya itong halimbawa sa iba pang mga pulis na gawin ang tama at isabuhay ang kanilang misyon na gampanan ang tungkuling maglingkod at protektahan ang bayan nang walang kinikilingan o pinoprotektahan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us