Inaresto ng National Bureau of Investigation ang isang babae na nagpanggap umanong kawani ng Korte Suprema na nag-aalok ng non-appearance services para sa mga kaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal.
Sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division, inaresto ang suspek na si Jay Ann Balabagno o Jay Ann Anderson sa Fairview Terraces Quezon City.
Nakatransaksyon ang isa pang suspek sa pamamagitan ng Facebook na mismong pangunahing suspek at nagpakilalang isang Military Personnel sa ngalang Daylene A. Justimbaste.
Tinanggap ni Jay Ann na naunang katransaksyon ng NBI ang boodle money na nagresulta sa pagkakaaresto nito habang kinasuhan na ng NBI ng estafa, paglabag sa Anti Red Tape Act, Cybercrime Law kabilang si Justimbaste. | ulat ni Paula Antolin