BFAR, namahagi ng tulong sa mga naapektuhanng oil spill sa Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang relief operations ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa mga pamilyang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Kamakailan lang, nag-turnover ang BFAR MIMAROPA ng suplay ng pagkain sa pamahalaang panlalawigan na para sa 5,000 apektadong pamilya.

Binubuo ito 1,000 sako ng bigas, 10,000 lata ng sardinas at 5,000 pakete ng instant noodles.

Ayon sa BFAR, bukod pa ito sa inisyal na ₱4 milyong pondo na inilaan para sa alternatibong livelihood assistance sa mga mangingisdang hindi muna makakapalaot dahil sa fishing ban.

Una nang iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa 13,000 pamilya ng mga mangingisda ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?:BFAR MIMAROPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us