Umabot na sa 14,563 na mga motorista ang mga nasita sa dry run ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ito ay mula nang simulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dryrun noong Marso 9 hanggang Marso 20.
Ayon sa MMDA, nasa 3,373 sa mga nasita ang motorcycle riders habang nasa 11,190 naman sa mga nasita ay four-wheel vehicles mula sa Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa.
Una nang pinaliwig pa ng MMDA ng isang linggo ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, para bigyan-daan ang isinasagawang road patch works ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Itinakda sa Marso 27 ang full implementation ng exclusive motorcycle lane policy sa Commonwealth Ave. kaya’t asahan na ang kaliwa’t kanang hulihan at paniniket ng mga tauhan ng MMDA sa mga lalabag sa nasabing patakaran. | ulat ni Jaymark Dagala