Kasado na ang mga kinakailangang preparasyon para sa gagawing plebisito sa Marawi City sa Lanao del Sur bukas, Marso 18.
Ito ay para sa ratipikasyon ng pagbuo ng 2 barangay sa lungsod, ito ang Boganga II at Datu Dalidigan.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang mga bagong barangay ay resulta ng pagtaas ng populasyon ng mga na-displace na residente dahil sa 2017 Marawi siege.
Ayon sa Comelec, hindi ito ang unang beses na magkakaroon ng botohan sa Marawi mula nang maganap ang siege noong 2017 dahil nakalahok sila noong 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, at 2019 at 2022 National and Local Elections.
Pero ito ang unang local electoral exercise na gagawin umano sa Marawi City mula noong 2017 siege roon.
Hinikayat naman ng Comelec ang mga residente roon na makiisa sa gagawing plebisito na gagawin mula 7am hanggang 3pm.
Sasagot lang sila ng yes or no kung pabor sila o hindi sa pagbuo ng bagong barangay.
Tiniyak naman ni Comelec Chairman George Garcia na may nakalatag ring seguridad para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng dadalo. | ulat ni Lorenz Tanjoco